Take twenty nine! action!

521 8 5
                                    

( Kean's POV)

'' SAMA KAMI!!!!'' sigaw naming lahat kay neeko nung na realise namin na kakaiba na pala yung pagka late nila miko at lena. Damn!!! at talaga pang nag e-enjoy ako dito kumaen habang yung taong mahal ko, hindi namin alam kung ano ng nangyari sa kanya at kay miko.

tumakbo papalabas ng lodge si neeko at sinundan namin siya. narinig naming sumisigaw si pyo at kirusteno ng '' wait!!! teka!!!'' pero hindi namin sila pinansin. magpapabagal lang sila sa paghahanap. kelangan naming makita sila lena as soon as possible kung hindi, mababaliw ako sa nararamdaman ko ngayon.

'' anong balak mong gawin neeko?'' tanong ko sa kanya. at sa isang kisapmata, tinuro niya ako at si john.

" kayo , kean at john, dun kayo sa may east end neto. ako at si mint, dito sa west." tumango naman kami. kahit lagi kaming nagtatalo ni john, nagkakasundo padin kami sa mga ganitong bagay.

mga bagay na it's now or never.

"" takbo bilis!'' hinigit ko si john at tumakbo na kami papunta sa east. sinalubong kami ng kakahuyan. tsk.

lena, miko, please be safe. please be safe.

'' oh, maghiwalay tayo dito. dun ka.'' - sabi ko kay john habang tinuturo yung kabilang dako ng kakahuyan. tinignan niya ako na para naman akong may sinabing napakahirap na calculus problem.

" ayan ka nanaman eh. ang bossy mo. hindi tayo pwedeng maghiwalay! pano mo malalaman kapag nakita ko na sila?" dere-deretsong sabi ni john. Sh*t alam mo yung wala na kong panahon mag explain?

"" wala na tayong oras! sumigaw ka ng malakas! maririnig kita!'' naiinis kong sagot sa kanya. tinalikuran ko siya sabay takbo ko sa kabilang dereksyon.

puno bawat puno, hinihiling ko na sana nakasandal na sila duon. dapat pala ako nalang naging kapartner ni lena.

"" LENA!!! MIKO!!!!!!!! '' sigaw ko ng malakas. para namang nag echo. please let my voice reach them.

( lena's POV)

umaga na ba? o gabi padin? walang ka-ilaw ilaw ito sa pinagkabagsakan namin. pakiramdam ko ilang araw na kaming nandito. Wala bang makakakita sa amin? Pano na ang the Shining ng wala si miko? more or else ako pa may kasalanan.:( hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nagkataon.

natigil ako sa pag-i-isip ng biglang tumama yung ulo ni miko sa balikat ko..Tulog kaya siya?

"" mi..miko???'' mahina at nag aalinlangan kong tanong sa kanya. hinawakan naman niya yung kamay ko. " shhhhhh. pwede bang kahit ngayon lang tumahimik ka muna?'' nanghihina niyang sabi pero punong puno ng sarcasm.

tumahimik nalang ako at hinayaan ko siya. kung nanunuod lang siguro ako ng teleserye, baka kumekembot na ko sa kilig sa eksenang to. yung idol mo, natutulog sa balikat mo habang hawak yung kamay mo. san ka pa?

pero iba ngayon. iba sa totoong buhay. nasa bingit kami ng kamatayan. trapped dito. parehas na kaming mahina. unti unti na akong kinakaen ng lumalaki kong takot. ang lamig pa dit--

malamig.

napatingin ako bigla sa kamay ni miko. kahit na wala akong makita =_=

sobrang init ng kamay niya.

ginamit ko yung free hand ko para kapain yung noo ni miko. may lagnat nga siya. at nag aapoy siya sa lagnat.

" miko! miko!" nagpa-panic kong tawag sa kanya. lalo akong natatakot ngayon. may lagnat na siya, hindi ko alam anong pwede kong gawin.

"" diba i told you just shut up?!'' iritable niyang sagot sa akin. " may lagnat ka eh!!" sagot ko naman pabalik.

"may magagawa ka ba? diba wala? " natigilan ako sa sagot niya. nainis ako sa sarili ko kasi wala akong magawa. nakatali pa kami parehas ngayon.

ma,pa, tulong po. Lord, kayo na pong bahala sa amin, I know hindi Niyo kami pababayaan.

" meron ka palang magagawa." pahabol ni miko. nabuhayan naman ako ng loob. '' ano yun?'' eager kong tanong sa kanya.

" shut up."

asdagdfjghlkdsafasdgfjgklkjhsafdfjhsa! ang tao bang masungit lalong sumusungit kapag may lagnat?! akala ko ba bumabait sila? iba na talaga ang mga movies. hanep.

sinarado ko na nga ang bibig ko. pero yung puso ko nagsisisigaw ng tulong.

ilang oras na ba ang lumipas hindi ko alam. para namang forever na kaming trapped dito.

" hindi kita pababayaan suli.." biglang nagsalita si miko. suli? sukli? zuli? hindi ko naintindihan yung dulo..

" miko?" tinawag ko siya. no response.

" sorry suli..."

natigilan lang ako, pinakinggan ko lang yung mga sinasabi ni miko. marunong pala siyang mag sorry.

" bakit di nalang ako yung nawala..."

" patawad wala akong magawa"

" LENAAAAAAAAAAAAAA! MIIKOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!"

nagising ang diwa naming dalawa ni miko. boses ni neeko yun ah?

" NAANDITOO KAMI!!!!PLEEEAAAASSSEEEE! TULONG!!!" sigaw ko ng malakas sa abot ng makakaya ko.

Thank You Lord.

------------------------------------------------------end of UD---------------------------------------------

:)

* Just like the Movies* ( SHINee Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon