take thirty! action!

485 8 2
                                    

( Tasha's POV)

"as the shining's manager, anong masasabi niyo sa aksidenteng naganap kamakaylan lamang? papaano maaapektuhan ang schedule ng the shining? " - reporter 1

" maraming kumakalat na balita na may kasama daw na babae si miko ng maganap ang aksidente, totoo ba ito?"- reporter 2.

''ano ang ginagawa nila sa isang probinsya? hindi ba dapat nag pe-prepare sila for their world concert?'' - reporter 3

-

napabuntong hininga nalang ako habang pinapanuod ko sa tv na pinagkakaguluhan lang naman ng mga pesteng reporter ang mama ko. May tenga talaga ang balita. kahapon lang nangyari to, instant hit agad sa media.

" kung hindi dahil sakin.." napatingin ako bigla kay lena na nasa kama pa. tumayo ako mula sa couch dito sa ospital. tinapik ko siya sa balikat. '' ano ka ba. ayan ka nanaman. wala namang may gusto ng nangyari. wag mo ngang sisihin ang sarili mo.''

ngumiti nalang si lena pero halata ko na parang pilit lang yun. '' kamusta na daw ba si miko?'' tanong niya sa akin. kitang kita sa mga mata niya ang pag aalala. " tulog ka kasi kanina eh. nandito si kean at miko kanina. sabi nila, okay naman daw si miko. pinagpapahinga din at ginagamot yung sugat niya sa balikat. pwede na kayong lumabas ng ospital mamayang gabi."

pagkasabi ko naman nun parang nabunutan ng tinik si lena. '' buti naman at okay lang siya. Nga pala bes, ano na kayang mangyayari ngayon sa the shining?? ''

napatango naman ako sa tanong niya. yan din kasi yung tanong na bumabagabag sakin. pero alam ko naman kasi na kaya naman ng mama ko na i-handle ang sitwasyon. ABA! hindi siya naging manager ng the shining ng basta basta lang no?

/tok tok tok/

napalingon kami ni lena sa pinto ng may biglang kumatok. biglang namang pumasok si kean sa kwarto.

" uy gising ka na pala!!!" dali daling sabi niya, nilagpasan nga agad ako eh. dere-deretso siya kay lena. parang wala ako ah! pero okay lang. may kakaibang vibes kasi ako kay kean eh.

feeling ko...

gusto niya si lena.

( lena's POV)

"uy gising ka na pala!!" masayang sabi sakin ni kean habang lumapit siya sa akin. kinapa naman niya yung noo ko. nagulat ako sa ginawa niya.

" o..uy, " - natameme ako dun ah. nangiti naman siya ng makatunaw puso.. " okay ka na nga, bumaba na yung lagnat mo." sabi pa niya sabay abot sa akin ng plastik ng prutas. '' oh yan, kainin mo. lalabas na daw kayo ni miko mamaya eh.kelangan mo ng energy! haha!'' napangiti naman ako sa ginagawa niya.

pero deep inside, nagi-guilty padin ako ng sobra sobra.

" thank you, pero sorry din ha. kamusta na ang the shining?'' tanong ko sa kanya. ginulo naman niya yung buhok ko ng parang bata. '' huwag mo nga muna kaming intindihin. magpagaling ka muna nga. kaya namin ayusin to.'' pag-a-assure niya sa akin.

" ano ng balak niyong gawin?" makulit kong tanong. masisisi niya ba ako? dahil sakin kaya sila pumunta ng beach, dahil sakin kaya nagka treasure hunting. dahil sakin kaya kami nahulog. dahil sa akin kaya nasa ospital kami ngayon. dahil sa akin kaya may issue sa media ngayon.

masisisi niya ba ako kung bakit ako nagi-guilty? hindi matatahimik ang loob ko hangga't hindi ko nalalaman kung anong gagawin nila.

'' ang kulit mo naman lena. HAHAHAA'' tawa pa ni kean. nalulungkot ako. feeling ko kasi may ayaw siyang sabihin sa akin.

'' ano nga? hindi ako matatahimik eh.'' pangungulit ko pa sa kanya.

"" EHEM!!!!'' nagulat kaming dalawa ni kean ng bigla nalang umubo si tasha ng malakas. napatingin kami parehas sa kanya.

" uhm. gusto ko lang po linawin na hindi lang po kayong dalawa ang nasa loob ng kwartong ito. or baka naman kinalimutan niyo na talaga ako? " sabi niya ng naka ngisi. '' baka naman kasi hindi talaga alam ni kean ang gagawin kaya di niya masabi sayo. diba kean?'' napatingin ako kay kean at napansin na parang naging stiff siya.

'' di mo siguro alam ano?'' pang-gigisa pa ni tasha sa kanya.

"A...A...anong hindi ko.. alam. a...ALAM KO NO!!!" pa-putol putol niyang sabi. napangiti ako. man's pride nga naman oh.

" nagpapatawag ako ng presscon bukas. duon ko sasagutin lahat ng katanungan ng press. Isa lang ang masasabi ko ngayon. Miko is alright and he is resting. He would be resuming his activities after two weeks." napatingin kaming tatlo sa may tv. saktong sakto si mommy lucy nagsalita. parang sinagot lang kami, at niligtas sa pagkaka gisa si kean.

" ayan yung gagawin namin, oh diba? sabi ko naman sa inyo, alam ko eh." tawa tawa pang sabi ni kean. ngayong alam ko na yung hakbang na gagawin nila, lumuwag na yung pakiramdam ko.

pero may isa pang tanong na naglalaro sa isipan ko.

" may kilala ka bang suli?" tanong ko kay kean. suli yung pagkakarinig ko kay miko nung nasa minahan kami eh. nagulat ako sa reaksyon ni kean. nanlaki yung mga mata niya at naging stiff nanaman ang katawan niya.

" san mo narinig yung pangalan na yan?" dali dali niyang tanong sa akin. Parang gulat na gulat siya na nagtanong ako tungkol kay suli. lalo tuloy akong na-curious.

" kay miko.sa minahan." sagot ko naman. lalong mukhang nagulat si kean. '' KAY MIKO?!!!'' Ayan nanaman ang high-pitched niyang boses. parang babae lang siya kapag sumisigaw na ng ganyan.tumango naman ako. '' oo, sino ba siya?'' pag uulit ko.

" well...nakababatang kapatid ni miko yun na namatay way back pa nung mga trainee palang kami.."

nakababatang kapatid...

trainee

NAMATAY.

paulit ulit na nag e-echo sa utak ko yung mga sinabi ni kean. parang sirang plaka lang. '' na...namatay?! at saka...wala...namang nakababatang kapatid si miko ha?'' nagtatakang tanong ko kay kean. fan girl nila ko kaya alam ko na walang kapatid si miko. let alone namatay pa...

'' yun ang inilabas na profile ni miko.. na only child siya..pero.. hindi...'' malungkot na sagot ni kean. para naman akong natusok ng patalim. nagkamali ako. nainis ako sa ugali ni miko. akala ko ang plastik niya. i mean. oo, part siya ng idol group na sobrang hinahangaan ko. kaso nag dalawang isip ako nung nalaman ko na ang sungit sungit niya. Pero may na fail akong ma-realize.

Bakit nga ba ako manghuhusga ng tao kung hindi ko naman alam ang pinagdadaanan nila? Nainis ako sa kasungitan ni miko, pero hindi ko naman talaga alam kung bakit siya masungit. Wala akong kaalam-alam. Napa isip ako na lahat ng tao may dahilan kung bakit sila ganoon. Bakit ako manghuhusga kung hindi ko naman alam yung sakit na nararamdaman nila??

akala ko din dahil fan girl ako, alam ko na ang lahat tungkol sa kanila. birthday nila, favorites nila, baka nga pati sleeping position nila.

mali ako..

maling mali...

" LENAAA!!" natigil ako ng pagiisip ng narinig ko ang boses ni neeko at nagulat nalang ako ng naramdaman ko nalang ang braso niya na niyakap ako.

neeko.... saviour ko.

salamat.

-------------------------------------------------------------end of ud---------------------------------------

EY GUYS!!! SALAMAT PO SA SUPORTA! :) yung biglang increase ng reads.. SOBRANG UNEXPECTED PERO SOBRANG THANK YOU PO!! :) SORRY PO ONCE IN A BLUE MOON NALANG AKO MAG WATTPAD kaya po late updates.and hindi po ako nakaka reply masyado sa inyo.PERO THANK YOU PO NG SOBRA SOBRA SA MGA NAG ADD SA READING LISTS AND NAG FOLLOW!! :) MWAAAAH! LABYU OL PO!

comments are highly appreciated by yours truly :)

* Just like the Movies* ( SHINee Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon