take twenty seven! action!

637 11 2
                                    

(lena's Pov)

"grabe nakakatakot naman to!" napabulaslas ako nung nakita ko yung mines. grabe! treasure hunting to diba? bakit parang courage test yata to?

nagulat ako nung hinawakan ni miko yung kamay ko. napatingin ako sa kanya ng nakita kong napalunok siya. napangiti ako.

takot yata to eh.

gusto ko tumawa pero pinigilan ko pagalitan pa ko neto ulit eh.

"tara" sabi niya habang humigpit yung hawak niya sa kamay ko. bumilis naman yung tibok ng puso ko. hindi ko ba malaman kung sa dahil sa takot to sa mine na to or dahil hawak ng idol ko yung kamay ko. AHHHHHHH!!ADSADFGDGHJSFSFAGASFSAD!!

tumango ako tapos lumakad kami ng dahan dahan sa loob ng minahan.

ang baho sa loob, amoy lupa talaga. ang bigat din ng atmosphere. nararamdaman kong natatakot na talaga ako.

"uy. dito kaya talaga yun?" kinakabahan kong tanong kay miko. padilim na kasi ng padilim yung paligid habang lumalakad kami.

" pag to mali! humanda ka sa akin!" pagbabanta niya.Lalo tuloy akong nagduda. pati pala siya hindi kampante na tama talaga yung pinuntahan namin.

"tara na kaya?" tanong ko naman sa kanya. hindi maganda ang pakiramdam ko sa lugar na to.

"duwag mo naman!!! wala ka bang magandang quality?" sarcastic niyang banat sakin. pssh. meron yata talagang mens to eh. parang kanina lang siya yung takot eh!

nagpatuloy pa kaming maglakad..

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!" -ako

"OH MY GOD!"-si miko

bigla kong may naapakan na hindi ko alam kung ano at bigla nalang tumunog ng malakas. grabe! halos mapatay ako sa sobrang gulat duon ah?

"ANO BA YON?!" galit na galit na sigaw ni miko. nairita naman ako. ay kuya? ikaw lang po ba ang nagulat?

"ewan ko, nagulat din ako diba?" inis kong,sagot sa kanya. bakit ba ang bait niya sa tv. halimaw naman sa personal. sungit!

the next thing that happened caught us both off guard.

......

darkness.

(miko's POV)

"uy,gising..." kinakabahan kong tinatapik si lena. nakakabuwisit naman kasi tong tali na to eh. shit. pano ba kami napunta sa ganitong sitwasyon.

"hooy!! gumising ka oy!" niyuyugyog ko na siya. natatakot na ako sa safety niya. unti unting bumabalik sakin ang nakaraan.

mga memoryang dapat ko ng kalimutan.

nasa limang minuto o sampung minuto na siyang walang malay.namali yata talaga kami ng napuntahan. hindi safe tong minahan na to. hindi ako makagalaw dahil nasa ibabaw ko si lena.

niyakap ko siya gamit yung malaya kong kamay nung bigla kaming nahulog. nagpagulong gulong kami at ngayon, wala na akong idea kung nasaan kami.

shet. puro sugat na kaming dalawa. ang sakit ng katawan ko. sugat na sugat yung braso ko na nakatali sa kanya.

pano ko hihingi ng tulong??

"lena!! lena!!! gising!" ginigising ko ulit siya. pero wala padin. patay talaga kami neto.

pinilit kong ilagay sa gilid ko si lena. halos mabaliw ako sa sakit ng braso ko. nagagasgas at mas lumalalim pa kasi lalo yung sugat ko dahil sa tali.

mga babae talaga. laging damsel in distress.

naiinis ako sa sitwasyon namin pero bawat segundo na lumilipas na wala pading malay si Lena, lalo akong kinakabahan.

sinampal ko siya. baka sakaling gumana.pero wala padin.

singer ako leche hindi doktor!! gumising ka na!!!!

pero wala akong magawa kung hindi magintay.

lagi namang ganoon. wala ako laging magawa kundi ang mag intay lang. parang katulad dati. wala din akong nagawa.

(lena's Pov)

*Dilat* napahawak ako sa ulo ko. ang sakit sakit ng ulo ko. sinubukan kong tumayo pero hindi ko kaya.

teka. anong nangyari??

"miko?" mahina kong tawag sa kanya..dahil madilim hindi ko alam kung okay lang ba siya.

narinig ko siyang bumuntong hininga. "buti naman at nagising ka na. wala ka talagang ibang alam gawin kundi magpakaba ng ibang tao no?" ang sarcastic ng pagkakasabi niya nun pero ewan ko ba pero na touch ako.

"thank you ah" sincere kong pasasalamat sa kanya.

"ngayong gising ka na, panu tayo makaka alis dito?" tanong niya sa akin. hindi man lang niya inacknowledge yung pasasalamat ko.. sinubukan ko ulit tumayo, this time, gamit yung dalawa kong kamay.

"URGH!!!!! teka!" nagulat ako ng napasigaw si miko na para bang may masakit sa kanya. nanlaki yung mata ko..

"uy okay ka lang ba??! " nag aalala kong tanong sa kanya.

"wag ka nga muna gumalaw!" bulyaw niya sa akin.

"ano bang nangyari sayo?" tanong ko sa kanya. hindi ko makita kung may sugat ba siya pero malamang oo.

hindi ko alam papaano kami makakahingi ng tulong..

dito na ba kami mamamatay,?

........end of UD.......

hello guys! sensya sa mabagal na updatw. exam season kasi dito samin ngayon eh.

comments are highly appreciated. :)

btw. minho fan din ho ako, baka isipin niyo hindi ako fan ni minho kaya ang sungit sungit niya sa story ko. :D

kahit kumukuha ako ng attributes ng SHINee para sa story ko,, (example: yung kagalingan ni key sa pang gagaya, and yung katalinuhan ni onew /second siya sa buong school nila/ ) nung sinabi ko pong ang bait ni miko sa tv sa personal halimaw, completely unrelated po kay minho yun okay? :) ang kinuha ko pong attributes kay minho ay yung flaming stare and competitiveness po niya. ayun lang! :) para malinaw lang ang lahat! :)

* Just like the Movies* ( SHINee Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon