Take 39! Action!

10 1 0
                                    

a/n: Una sa lahat, sorry po at hindi na ako nakapag update ng..tatlong taon! :( Hindi ako mabibigla kung nakalimutan niyo na itong story na ito, or ayaw niyo ng basahin. Gusto ko lang talaga masabi sa sarili ko na nakatapos ako ng storya, at ng mabigyang hustisya ang kwento nila Lena :D 

Salamat po sa mga magbabasa ulit, or mga bagong reader ng storyang ito. <3

----------------------------------------------------------------------------------------

(Lena's POV)

"Patay tayo dito bes, paano na natin gagawin to?!" dakdak ko kay Tasha after ng lesson namin.Naglalakad kami ngayon pauwi sa bahay.Dapat nga excited ako ngayon dahil isang araw nalang at uuwi na ang the shining! Maingay na ulit ang bahay, pero yung Research paper? anak ng tokwa naman, paano ako papasa nito? huhu

Tinignan lang ako ni Tasha na para bang hindi din niya alam ang gagawin niya. "Malay ko bes, sa lahat ng project pinaka ayoko ng research paper eh! Ang problema yung mismong research problem!" sagot niya. Hay nako Lord, magre-ready nalang ba kaming bumagsak?! 

*sigh* 

Napabuntong hininga nalang ako. Pero, aba! Ako yata si Lena, at hindi ako sumusuko! Sa exams lang, medyo :D "Keri natin ito bes, kembotan nalang natin to. Bahala na si God satin!" Pinili ko nalang na mas maging masaya. Bigla naman kaming nagkatinginan ni Tasha ng naramdaman namin na may tao malapit sa likod namin na para bang sinusundan kami.

Sumenyas si Tasha sa akin gamit ang mga mata niya. 1,2,3...

"Takbo!!!!" Sigaw naming parehas, ayoko pa mamatay G! Okay lang kahit isang daan pang research paper ang gawin ko basta huwag pa ngayon! Madami pa akong pangarap! Gusto ko pa magkaroon ng boyfriend!

Naputol naman ang internal sigaw ko ng may biglang sumigaw sa likuran namin ni Tasha. 

"WAAAAAIIIIITTTTTT!!! JEEZ!" sigaw ni kuyang stalker. Napahinto naman kami ni Tasha, kilala ko yung boses na yun ah?!


1,2,3.. Lingon!


"Chris?!" Malakas kong sabi, pati si Tasha napa nganga nalang din, who knew! Stalker ang hot lalaki na ito! Kalerks!


"Jeez! You! Both of you! Grabe kayo! OA?!" singhal niya sa amin, loko din ito eh no, siya pa may ganang magalit, kami na nga itong natakot!

"Kami pa talaga ang OA?! Ikaw tong bigla bigla nalang lumapit sa likod namin eh! stalker!" sigaw naman ni Tasha pabalik sa kanya habang humihingal kaming dalawa. 

"A...Ano bang ke...kelangan mo sa amin ha? Chris?! Hindi kami pi-pichuging babae lang! May dignidad kami! Hindi kami basta basta!!" Dere-deretso kong tanong sa kanya. ABA! akala niya yata basta basta nalang namin i gi-give up ang Bataan dahil lang gwapo siya! Mas gwapo ang the shining no!


"PFFT." Biglang napahawak si Chris sa bibig niya. "PFFT..." hanggang sa hindi nadin niya napigilan ang sarili niya. "HAAHAHAHAAHHAHAAHAH!!! Iba ka talaga Lena!" halakhak pa niya, maluha-luha pa siya nung kumalma na siya. "Itatanong ko lang naman kung gusto niyo ng tulong dun sa research sa Psychology!"

Napatigil ako sa sinabi ni Chris. Tulong daw? Sa research paper?! Oh Diyos ko, maraming salamat po at biniyayaan niyo ako at si Tasha ng isang mabait na tao!! The best ka talaga G!!


"OO NAMAN CHRIS! SALAMAT SALAMAT SALAMAT!! TASSSSSHHHHH HINDI NA TAYO BABAGSAK!!!!" Sa sobrang tuwa ko, napayakap ako kay Chris! Narinig ko napa-chuckle siya ng mahina, pero narinig ko padin dahil nga yakap yakap ko siya. Na-conscious ako bigla sa ginawa ko. Tinanggal ko yung pagkakayakap ko sa kanya. "Sorry!!" dali dali ko namang hinatak si Tasha papalayo "See you tomorrow Chris! bukas nalang natin pag-usapan!"


(Tasha's POV)

Tuwang tuwa si Lena at may tutulong na sa amin sa research. Diba dapat ako din masaya? Pero kasi parang may iba dyan sa Chris na yan eh. Di ko talaga alam pero parang nakita ko na siya dati, and hindi lang sa classroom! Tsk. Tsk. Tsk. Tapos, bigla bigla nalang siyang tutulong eh hindi naman niya kami kinakausap dati! Hay nako, re-research ko nalang siya pero for the mean time, at least hindi na kami babagsak ni Lena.

"Bye na Tash!" Masiglang sabi sa akin ni Lena, talagang napasaya siya na mukhang hindi na kami babagsak! "bye!" sagot ko sa kanya, we hugged and then I went on my way papauwi. Pagliko ko sa kanto, biglang may humawak sa braso ko.


"Ano ba Chris!" hinawakan ko yung kamay niya at hinatak siya papunta sa harap. I'm not like Lena and I won't play games with you mister! 

"Sino si Chris!!!You cheating on me?!" sigaw nung lalaki na naka baseball cap at naka mask. Natigilan ako, kilala ko to ah. 


"Jo..john?" tanong ko sa kanya. Tinanggal naman niya yung mask niya. "JOHN?!" sigaw ko. Tinakpan naman niya yung bibig ko at hinatak ako sa may eskinita. 


"Uy ano ba!" singhal ko ng bitiwan niya ako. Nag pout naman itong mokong na to. "Sino si Chris? Nag concert lang ako, naghanap ka na ng iba!" tanong pa niya sa akin.


Tiniklop ko lang yung mga braso ko. "Anong cheating?! Una, tayo ba? Hindi. Pangalawa, ayoko padin sayo no. Pangat..uy!" Hindi ko na natapos yung sinasabi ko ng bigla niya akong niyakap. "I missed you..." mahina niyang sabi sa akin. I can feel his breath on my ear. Kinilabutan ako. I escaped from his embrace. 


"Missed you mo mukha mo!" I shouted. Tumakbo ako papalayo sa kanya hawak hawak ang dibdib ko. 


dug.dug.dug.dug.

Ang bilis ng tibok nito.



----end of UD---------



* Just like the Movies* ( SHINee Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon