( tasha's POV)
"ako, pa-try.." nagulat ako nung boses ng kababata ko yung sumalubong sa akin. pagkalingon ko, expected ko si key ang makikita ko. pero hindi.....
si kean..
buffering pa sa utak ko to...
si kean at key ay iisa?
o baka naman nabingi lang ako.
oo tama. yun nga siguro.
nabingi lang ako. imposibleng maging si kean si key.. eh parehas kaliwa paa ni key eh. eh tong si kean dancer.
ay nako. mamaya na nga tong issue na to. may mas importante akong dapat gawin.
umiling ako,. " nope kean, ako ng bahala dito. pero kung gusto mo, dyan ka nalang sa likod ko para may back up." sabi ko sa kanya.
para naman siyang naguluhan sa sinabi ko. " back up? ano bang gagawin mo ha?" tanong niya sa akin.
" watch me." - tanging sagot ko sa kanya.
" DALAWA!!! LENA SAMANTHA PEREZ! PANGATLONG BESES KO NG TINATAWAG PANGALAN MO! ALAM MO NA MANGYAYARI KAPAG PINAABOT MO AKO SA LI--"
" oo sa lima." di ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang bumukas yung pinto... si lena na yung tumapos sa sasabihin ko.
if i were to describe her ng isang word? WASTED.
oo. kala mo naglasing. ang nangayayat na yung chubby cheeks ng bestfriend ko. T_________T tapos ang lalim ng mga mata niya. buhok niya gulo gulo pa.
it's showtime.
-sabi ko sa sarili ko. maldita all the way ang peg ko ngayon.
" wala ka bang balak kumaen???" mataray kong tanong sa kanya. it's more like a demand than a question kung ako ang tatanungin.
" wala. sorry." matipid na sagot ni lena. papasok na sana siya ulit sa kwarto at pagsasaraduhan ako ng pinto ng bigla kong tinulak yung pinto. well, since mas malakas ako sa kanya dahil kumakaen ako ng tama no, ayun, napigilan ko siya.
hinawakan ko siya sa braso. tinignan ko siya sa mata. " lena samantha perez, ano bang ginagawa mo sa buhay mo???" tina-try ko siyang tanungin ng mas mahinahon ngayon.. pero iniwasan lang niya ako ng tingin.
" nagluluksa ako. bawal ba?" sagot niya sa akin. aba!! sarap din pektusan netong bestfriend ko eh no. para talaga ng nagbago na siya.
" hindi na yan pagluluksa. pagdudusa na yan!!!!" sigaw ko sa kanya, habang niyuyugyog ko siya para matauhan man lang. pero tinanggal niya yung kamay ko sa balikat niya.
" PAG NAMATAYAN KA NG MAGULANG, HINDI KA BA MAGDUDUSA?!! HUH?!!!" sigaw niya sa akin. umiiyak nanaman siya. aray. oo. alam kong malulungkot ako. iiyak. pero hindi ko papatayin ang sarili ko at di ko sasayangin ang buhay ko.
" OO, MALULUNGKOT AKO! PERO HINDI KO GAGAWIN ANG GINAGAWA MO!!! PINAPATAY MO NA YANG SARILI MO!! WINAWALDAS MO YANG BUHAY MO!! ANO?! GUSTO MO NA MAMATAY HA?!" sigaw ko pa ulit sa kanya, hindi ko alam kung nasa labas naba ng pintuan ang the shining dahil for sure rinig na sa buong bahay ang sigawan naming ni lena, pero wala kong pakialam sa kanila ngayon.
" OO! OO! OO SANA KASAMA NALANG AKO SA AKSIDENTE NILA! SANA KASAMA NALANG NILA AKO NAMATAY! EDI SANA HINDI AKO NAGIISA NGAYON!!!" bulyaw sa akin ni lena sa abot ng makakaya niya. pumiyok pa siya dahil narin sa pagiyak niya. napuno ako sa narinig ko. lumapit ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
* Just like the Movies* ( SHINee Fiction)
Teen FictionSi Lena Samantha ay isang typical college student, ng sa isang iglap, nagbago ang buhay niya dulot ng isang aksidente. samahan natin si Lena sa kanyang kwentong mala pelikula. she couldn't believe the fact that her life??? it's JUST LIKE THE MOVIES...