take fourteen! action!

688 10 6
                                    

(lena's POV)

"KYAAAAAAH! GRABE KA!! ANO TO?!" nagulat ako nung biglang hablutin nung katabi ko yung cellphone ko,

" OY ANO BA! BALIK MO NGA SA AKIN YAN!!" natatarantang sigaw kosa kanya, papano ba naman, wallpaper ko nga yung picture namin nila neeko at mint diba?? dumadagundung sa kaba yung puso ko..

" wow! ANG INTIMATE NIYO NAMAN DITO~! PANO KA NAKAPAGPAPICTURE~!! PARANG CLOSE NA CLOSE KAYO AH!!!! INGGIT AKO!!!" higit pa niya sa akin, halatang inggit na inggit parang gusto niyang adobehin yung pagmumukha ko at saka ipalit ang mukha niya duon.

mamatay ka sa inggit. JOKE! joke lang syempre. :p

jokes are half meant.oo na, ang mean ko lang, pasensya. *bow*

" ano ka ba naman trixie, syempre, ine-edit ko lang yang mga pictures na yan, pano ko ba sila malalapitan? eh magka layo ang mga mundo natin, di natin sila reach!" palusot ko naman sa kanya, deep inside, i'm hoping na bumenta.

kung alam lang niya na nasa debut ko ang the shining, baka maloka na ng tuluyan ang co-fan girl ko. tinignan niya yung picture maigi at tinignan niya ako. i gave her a look na napaka inosente..

" oooooooooh. ang galing mo pala mag edit lena!! astig! parang tunay na tunay lang ah~!"

woosh~! nakahinga ako ng maluwag dun ah!!! masayang masaya ako na nakilala ko sila, at kung mamarapatin lang ng pagkakataon, gusto ko sabihing, kaibigan nila ako.. pero alam kong ngayon, isa pa lang akong kakilala. ang friendship daw kasi, built over time yan, dapat naranasan niyo na ang ups and downs ng magkasama, eh hindi pa naman kami ganun. siguro nga, kakilala nila ako. at kahit yun palang, sobrang super duper thankful na ako. sige nga, sa milyong milyong fan girls at fan boys meron sa mundong ibabaw, ilan ang nagkaroon ng chance na makilala sila ng iniidolo nila?

siguro 0.0000000001 %

pero ako. i'm given that very elusive chance. pero ayoko makigulo sa buhay nila. ayoko maki involve sa "popular drama". for sure madaming gugulo sa akin once na malaman nila na kakilala ko sila.

that's why i lied.

" sus! madali lang naman mag edit ng pics. sumu-sobra lang ang pag ka fan girl ko. obsessed ang lola mo," sagot ko pa kay trixie. binigay niya sa akin yung phone ko, sakto naman na nagring yun. nagitla ako nung nakita ko yung caller.

neeko calling

tumayo ako sa kinauupuan ko, " ah eh, teka trixie, kelangan ko talagang sagutin tong tawag na to eh, sabihin mo nalang kay tasha na nag cr lang ako kapag ka dumating na siya ha!" madali kong excuse kay trixie sabay takbo sa cr.

agad kong sinagot yung tawag. " hello?"

kinilabutan naman ako dun sa boses ni neeko, " hello lena! uy may itatanong lang sana ako,"

" a..ano yun??" ano ba yan lena samantha! nauutal ka nanaman!

" will you marry me?" O_______________O what?! teka teka teka teka!! mali yata yung narinig ko... teka.. wew! kinakabahan ako! connection problem lang yata yun eh! nabingi na yata ako dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

" a...a....a.n...anong.... sa....bi.... mo....?!" di ko masabi yung gusto kong sabihin...

" BALIW! joke lang yun! " natatawa pa niyang sabi sa kabilang linya, " itatanong ko lang kung anong name ng university na pinapasukan mo?" pagpapatuloy pa niya, naiimagine ko pa yung mukha ni neeko habang pinagtitripan niya ako sa will you marry me niya. pero wait. diba jokes are half meant?

naginit yung mukha ko. " yah! ikaw tong baliw diyan, lakas ng trip mo sa buhayT_____T" medyo inis kong sabi sa kanya, eh kasi naman eh, lakas ng pampa kilig factor. kakapanuod ko pa lang naman nung we got married tapos ganito.

" ate lena~!!!!!!!!!!!!!" high pitched na sigaw ni mint sa kabilang linya, nagulat naman ako, pampa basag lang talaga ng tutuli tong si mint, nilayo ko yung cellphone sa tenga ko, " HOY MINT AKIN NA YANG CELLPHONE!!" rinig kong sigaw ni neeko naman..

para talagang jungle sa kanila. " ate lena!! sang university ka pumapasok?" tanong nanaman sa akin ni mint. pinikit ko yung mata ko kasi ini-imagine ko, kasama ko sila.at halos tumalon talon si mint sa tuwa sa pagka usap sa akin. seriously, parang tumungga yata si mint ng isang kilong asukal at napaka energetic.

" sa harvard university" pagbibiro ko naman. " eh kasi nga ate?! saan?!!!" high pitched nanaman niyang sigaw.

" okay okay, eto na, sa brecon-carreg university! "

" oooh! hindi ko pa naririnig yang university na yan ----- AISH! AKIN NA YAN!!!-" narinig ko si mint, " oh sensya ka na lena, ang gulo kasi netong si mint eh, hindi ko ma kontrol, wala kasi si kean dito sa bahay eh. walang nagger.hahahah" boses nanaman ni neeko yung nasa kabilang linya.

" okay lang hahaha" sabi ko sa kanya, pero sa totoo lang medyo sumakit ulo ko sa kaingayan nilang dalawa.

" sang university ulit?" ano ba yan, pa ulit ulit yung tanong, unli yata tong mga to eh,, pero at least kausap ko idol ko!!! kyaaaaaaaaaaaaaaaah!!! * insert high pitched mental scream here.*

" brecon-carreg university.. teka bakit niyo ba naitanong.?"

" ooh. never heard of that.." sagot naman niya, napasandal ako sa may toilet sink, " hindi kasi sikat yung university na to, since bago palang to, hindi pa masyadong madami ang estudyante dito compared sa mga ibang universities, pero maganda din naman ang quality of education namin dito. bakit ba?" na cu-curious talaga ako.

" oooh! tamang tama pala yan! sige thanks!"

" teka huy!!! --" hinabol ko pa siya eh binabaan na niya ako.. napaisip tuloy ako...

hala!! hindi kaya mag aral sila dito?!

pero impossible yun!!

nothing is impossible!

ay oo nga, pero improbable nalang! irrational statement yun! syntax error! cannot be!

pano sila mag aaral eh for sure punong puno ang scheds nila?

hindi kaya na laos na sila?!

ay nako lena ano ba yang iniisip mo eh nasa top charts nga yung latest songs nila eh.. lalo na yung dazzling girl!!

dazzling girl, dazzling love,, ay! ay!ay! - Nag play agad sa utak ko yung kanta nila.. hay, ang ganda talaga.

eh bakit nila tinatanong yung university ko?

bahala na nga justice league..

malalaman ko din yan. FOR SURE :)

-----------------------------------------------end of UD----------------------------------------------------

hi guys! sensya na po at natagalan ang UD! :) hope you enjoy it! kahit na medyo crappy xD

comments are highly appreciated!! nakaka inspire po kasi lalo mag update kapag may nag co-comment :))

* Just like the Movies* ( SHINee Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon