SUNGYEOL ♥
Nakita ko sya.. NAKITA KO TALAGA SYA!!
"Asan na sya...." Gusto ko syang makausap ulit. Namimiss ko yung ngiti nya. Tapos yung chubby cheeks nya. Tsaka yung mata nya. Yung tawa nya. NAMIMISS KO SI HANEUL!!
Nagcrouch ako at sinapo ang noo ko. Namimiss ko yung babaeng kakakilala ko lang. Grabe. Lord, hindi na po ako titingin sa ibang babae, ipakita nyo lang sakin ngayon si Haneul. Tsaka pakidevelop naman kami sa isa't-isa. Tapos yung number nya na rin pakibigay. Huhuhu.
"Huy Soo Yul. Tumayo ka dyan. Baka nakakalimutan mo nakapangbabaeng damit ka." Sabi ni Myungsoo na mukhang may hinahanap rin.
Napagkasunduan naming magcode name para hindi na rin kami mabisto kahit nakadisguise kami. Magaling ang mga fangirls sa paghahunt ng mga idols! Hindi ko alam kung mayroon silang animal instincts o sadyang nagkakasalubong lang kami sa daan.
Sa codenames naman, ideya ni L yun. Alam nyo naman, weirdo rin sya kung minsan. Soo Yul ang sakin at Soo Myeon naman ang kay L. Kunwari magkapatid kami. Hehe.
Tumayo ako ulit at naghanap ng babaeng may maikling buhok na nakaponytail. Nakakainis nga yung suot nya. See through. Mamaya bastusin sya ng kung sino!
"WAAAH.... Soomyeon. Asan na sya..." Matagal ko nang nakwento sa kanya si Haneul at nakwento niya rin yung Minchan na hinahunting nya. Hindi ako nagbibiro! HINAHUNTING TALAGA!
"Tara magtanong tayo." Bumabait si Myungsoo. Hindi na sya nagpapanggap na si L. Mabait na talaga sya.
L is Myungsoo's on stage image. Iba sya sa camera at iba rin sya sa dorm. Pero sa nakikita ko, ang mabait at mapagmahal na L image nya ay humahalo na sa Myungsoo image nya. Ang galing naman ni Minchan. Ililibre ko sya ng ice cream kapag nakita ko siya.
"Kanino naman tayo magtatanong...." Hinawakan ako ni L sa wrist at hinila sa isang food stand. Ah tama! Si manong panigurado maraming nakikitang tao.
"Tanong mo na, dali."
"Manong.." Niliitan ko yung boses ko. "May nakita po ba kayong babae na naka-peach na t-shirt at shorts na lampas tuhod?"
Oo na! Hindi sya naka-see-through o kahit anong damit na nagpapakita ng ganun karaming skin. Mas maikli nga yung suot nyang short nung nagkita kami pero KAHIT NA!! Dapat di sya lumabas ng bahay! Baka may mangmanyak sa kanya!! Pano nalang.. pano nalang...
Kailangan ko syang makita ora mismo para isave sya sa lahat ng masasamang loob.
"Si Haneul ba ang hinahanap nyo mga hija?" Tumango naman ako. Kilala nya si Haneul?! Baka isa ito sa mga nangmamanyak sa Haneul ko!! Pigilan nyo ko masasapak ko 'to!! "Pumunta sya dun."
Tinignan namin yung tinuro nya. Isang tent na may nakalagay na MARRIAGE BOOTH!!
●0●) NOOOOOO!!
"Manong bakit po sya nandun?" Rinig kong tanong ni L. Noooooo! Magpapakasal na kaya sya??!
![](https://img.wattpad.com/cover/5517591-288-k728773.jpg)
BINABASA MO ANG
Infinite, Uncovered!
FanfictionBuhay ba nila sa likod ng camera? Mga tunay nilang ugali? Home addresses? Nakailang girlfriends na sila? Mga away ng mga myembro? Saan sila pumupunta kapag may free time? Cellphone numbers? Anong tatak ng t-shirts at briefs-ooh, pretend like you did...