Revelation #35

421 7 0
                                        

SUNGJONG ♥

To: Grandpa Gyu

Message: Sigurado ako Granpa Gyu, Lagi nalang ako nakakakita ng babaeng maikli yung buhok tuwing lumingon sko sa iba't ibang direksyon pag magkasama kami ni Pat.

Message sent!

"Jongie, Tapos ka na ba magbihis?" Kumatok ang mahal ko sa pintuan ng kanyang banyo. Mabilis kong isinara ang mga natitirang bukas na butones ng suot kong polo. Humarap ako sa salamin at sinuklay ang nagulo kong buhok gamit ang mahahaba kong daliri.

Lumabas ako ng pinto

(๑•́ ω •̀๑)

"Okay lang ba?" Tanong ko kay Pat. Nakatitig siya sakin, tinanong ko siya kaso hindi parin siya sumagot. Ahh, nangwagwapuhan to sakin haha. magandang timing to para sa isang sweet action! Kaso baka magalit siya, eh girlfriend ko naman siya kaya ibig sabihin pwede ko yung gawin!

It's decided!

Dahan-dahan akong lumapit sa mukha ni Patricia

At ipinulupot ang mga kamay ko sa kanya..

"Sungjong?? A-anong ginagawa mo?" Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha niya. Napatawa ako ng marahan. Bakit ganun? Basta kasama mo ang isa sa mga pinaka importanteng tao sa buhay ko, lahat ng kaba sa dibdib ko nawawala

"U-uy----!!" Pagrereklamo ni Pat, hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya

"Alam mo, dapat hahalikan kita.." Pag-amin ko sa kanya

"HAH?" Bigla siyang nag-react ng malakas, napangiwi ako sa boses niya. May katapat na ako sa patinisan ng boses. Nakakaloka naman to! Hindi lang yun, nagtense din ang buong katawan ni Pat na parang natatakot

O natatakot ata talaga siya...

(((╹д╹;)))

"Hala! Hindi naman ganun yung gusto kong iparating!" Agad kong pagbawi habang yakap ko parin siya, iniisip ko kasi na pag binitawan ko siya baka taguan niya ako at batuhin ng stuff toys na ginawa niya sakin nung nagkaroon kami ng maliit na tampuhan

Stuff toy fight~

Huminga naman ng maluwag si Patricia. Ang cute talaga niya!

"Pwede ko nang tapusin sinasabi ko Pat?" Tanong ko. Tumango si Patricia pero hindi parin niya ako niyayakap pabalik. Nakakapanlumo (;へ:)

Niluwagan ko ang akapp ko sa kanya at tinitign siya sa maganda niyang mata. "Gusto sana kitang i-kiss kaso nirerespeto kita at ayaw ko na magalit ka sakin.." Hindi pa ako tapos magsalita nung bigla akong niyakap ni Pat.

"I love you.." Usal niya sakin. Turn ko naman para mamula, buti nalang nakayakap siya sakin hihi

Infinite, Uncovered!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon