Revelation #12

1.2K 25 16
  • Dedicated kay Admin I.O
                                        

SUNGJONG ♥

Ang mga mata ko.. Huhuhu!

Nakakainis naman si Hoya hyung e . Aalis-alis sya tapos babalik-balik naman!! Namamaga tuloy yung beautiful eyes ko. Pakiramdam ko kasinliit na sya ng kay Sunggyu! Ang rami kong iniyak nung isang araw. Maski si Yeol e. TSK. Para tuloy kaming inatake ng ipis kahapon sa maga ng mata namin. Buti medyo umimpis na ngayon.

"Cancelled daw yung flight natin bukas.." Sabi ni Sunggyu pagkapasok nya sa kusina. Inaantay kasi namin sya bago kumain. Ang bait namin diba? 

"Mabuti naman.." Napasandal si Myungsoo hyung sa upuan nya at ngumiti ng bonggang-bongga. L ikaw ba yan? Naguguluhan parin ako pero kasi nung sa show namin tinanong kung kelan sya nagiging Myungsoo tas sabi ni Myung, 'Kelan ako nagiging Myungsoo?' Tapos ayun nagreklamo si Myungsoo kasi natatalsikan daw sya ng laway ni Leader. Tas may sumabat.. sabi 'Ayan!! Yan na si Myungsoo!' So therefore, we conclude na nagiging Myungsoo si L kapag natatalsikan sya ng laway ni Leader.

Ewan. 

"Anong mabuti don.." Sabi ni Woohyun hyung na naglalapag ng mga plato sa harap namin. "Ayaw mo pa bang umalis ng bansa?"

Umiling si Myungsoo. "May lakad kasi ako bukas e." At.. hayan na naman yung ngiti nyang hindi papatalo.

Kung napanuod nyo na yung Days Of Infinite, maihahalintulad ko ang ngiti na yan nung sinabi nyang nahihiya raw kasi sya sa camera.

Yung tinakpan nya pa yung bibig nya ng panlandi na parang kinikilig. Basta yun yun. Anyway, cute naman sya kapag ginagawa nya yun.

Tsaka nawala na ata yung pagkamahiyain nya sa camera? Kaya kapag may camera, ready agad? Lahat naman kami e.. Bukod kay Hoya hyung. BWAHAHA. Shh!

"Kelan tayo makakaalis?" Tanong naman ni Hoya hyung.

"Sana next next week pa." Komento ni Yeol na lumalamon na.

"Next next week na nga." Sinimulan na ni Leader ang pagkain kaya kumain na rin ako. Ako ang pinakamabait eh! Kainan na!! 

"Mabuti naman." Sabi ni Hoya.

"Bakit mabuti? Wag mo sabihing lalayas ka na naman!" Naidabog ni Dongwoo hyung ang kutsara nya na sinita naman ni Leader.

"Ha? Hindi na ako lalayas ulit.." -Hoya.

"Mabuti naman.." -Dongwoo hyung

"L saan ka pupunta bukas?" -Sunggyu

"Secret." -Myungsoo

"Sabihin mo kung saan..." -Sunggyu

"Ayaw ko." -Myungsoo

Infinite, Uncovered!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon