MYUNGSOO ♥
"Akala nila papayag tayo na ilayo nila si L?!" Wala silang ine-expect. HELL-O! Mukha bang maiisip nilang kidnappers na ang mababait naming mga fan? (Na obviously, nahaluan na.)
"Tama.Sarili lang nila ang iniisip nila." Eh pano pa kayo? Naglolokohan ba 'tayo dito?
"Makasarili sila." TIGNAN NYO NGA SARILI NIYO SA SALAMIN!
"Oo, dapat hindi na natin sila sinusu---"
"Pwede ba!" Sininghalan ko yung dalawang babae. "Kinidnap nyo na nga ako, kung anu-ano pa sinasabi niyo tungkol sa mga kagrupo ko!"
Naubos na ang pasensya ko dahil sa pinagsasabi nila kanina pa. Nandito ako sa backseat ng kotse nung isang babae. Bumabyahe kami papunta sa....hindi ko alam. Nakakainis talaga! Kung pwede ko lang sila sapakin, kanina ko pa ginawa! Magaganda lang kasi sinasapak ko e.
"Galit ka ba, L?" Napatingin sa akin yung babaeng nakaupo sa harap. Akala mo cute ka? Nagbibeautiful eyes ka pa, di hamak namang mas maganda pa si Sungjong sayo!
Sinamaan ko sya ng tingin. "What's wrong with you? Malamang mababadtrip ako sa mga kalokohan nyo!"
Wala akong pakialam kung mainis rin sila sakin.Wag na silang maging Inspirit kung gusto nila! Nakakainis na talaga eh!! Hindi naman ako si Sunggyu para magpasensya ng napakahaba at maging humble and kind all the time! Hindi rin ako kasing sweet ni Woohyun! Ako si Myungsoo, Myungsoo, MYUNGSOO!
"Ganyan ka ba talaga!?" Sabi nung babaeng magdadrive. "Akala namin mabait ka!"
"Oo, ganto ako sa mga babaeng nakakairita. Bakit ko nga ba kayo kinakausap...." Sumandal nalang ako ulit. Psh. Imbis na nagpapahinga na kami eh. For sure nag-aalala na sila. Syempre, isang gwapong member ba naman nila ang mawala. Ay sus. Baka nga inatake na si Sungyeol e. 'Isalba nyo ang napakagwapo nating member! Kailangan natin ang kanyang kagwapuhan!'
"Sana pala si Sungyeol nalang yung kinidnap natin." Para ano? Ako yung atakihin at magsabi ng 'Isalba nyo ang pinakaloko-loko nating member! Kailangan natin ang kanyang kalokohan!'
"Bakit ba kasi kailangan nyo pang mangidnap.." Iritadong sabi ko. Bakit ba ganto ang mga babae! Kung anu-anong naiisip gawin. "Hindi ba pwedeng maging masaya nalang kayo sa mga desisyon namin?"
Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Pag-uuntugin ko na to eh. Kaso, wag. Sayang image ko. Hindi dapat sinasayang ang ipinundar mo ng napakatagal para lang sa panandaliang bagay.
Tinignan ko yung labas. Nasa city pa naman kami.. Pero hindi familiar tong place. Ugh, pano ba ako tatakas dito sa dalawang 'to? Talon kaya ako palabas ng bintana? 'Wag. Hindi nga dapat sinasayang ang mga ipinundar ng matagal e. Tulad nitong katawan ko. Maraming gustong humawak nito at hindi ko ito hahayaang magasgasan.
Bigla-bigla ay napasubsob ako papaharap. Walangya, pag tong mukha ko nagasgasan sasapakin ko na talaga tong mga nakakairitang babaeng 'to kahit MAGAGANDA LANG ANG SINASAPAK KO!
BINABASA MO ANG
Infinite, Uncovered!
FanfictionBuhay ba nila sa likod ng camera? Mga tunay nilang ugali? Home addresses? Nakailang girlfriends na sila? Mga away ng mga myembro? Saan sila pumupunta kapag may free time? Cellphone numbers? Anong tatak ng t-shirts at briefs-ooh, pretend like you did...