SUNGYEOL ♥
"Sungyeol. Lalabas ka na in 45 minutes. Maghanda ka na." Sabi ng CEO ng Woollim Entertainment kahit nakahanda na ako. Bakas rin sa boses nyang hindi sya mapakali. Nakokonsensya siguro.
Kung itsura at porma ang pag-uusapan, handa na ako. Pero kung yung utak ko? Hindi e. Pati yung puso ko hindi ata kakayanin 'to.
Hindi nagbibiro si Lee Jung Yeop nang ibalita nya sa amin na may problema. Ako, ako yung nakakita kung paano siya mag-alala. Ako yung unang pumunta sa bahay niya. Naalala ko pa dati. Binenta nya yung bahay nya para makapag-debut kami. Sa bawat projects hindi lang ng Infinite, marami syang inaambag. Para syang tatay, at the same time, tropa.
Ngayon, umiiral ang tatay side nya. Yung tatay na gagawin lahat 'wag lang masira yung pamilya.
"Yeol. Gusto mo papuntahin ko rin sila?" Kinalabit ako ni Myungsoo.
"Alam ba nung mga yun yung nangyayari?" Walang buhay kong sabi sa kanya.
"Hindi pa ata. Ipapaalam ba natin?"
"Wag, hayaan na natin si CEO ang magdecide."
Namatay na yung conversation namin. Pareho kaming hindi na alam yung gagawin, maski kung ano ang sasabihin. Maingay sa paligid namin pero parang may malamig at tahimik na hanging namamagitan.
Limang pictures ang naipakita na sa media. Ang mas malala, dalawa dun, close-up. Selca namin. Meron pa raw mailalabas, sabi ng kung sinumang taong yun ang nagsend. May kasama pang balita yon na nagpagalit sa ilang mga fans. Engaged na ako sa babae sa mga litrato.
Buti sana kung totoo.
Sa pictures na yon, nakablur ang mukha ni Haneul. Alam kong siya yon dahil wala naman akong ibang kasamang babae, maski dati pa. Yun rin ang mga lugar na pinuntahan namin. Pero sino naman ang mag-e-espiya ng ganito?
Anong motibo nya? Ayokong isiping si.... siya yun. Kilala ko sya. Hindi sya ganun. Maninira ng buhay? Hindi sya ganun.
Dahil medyo kalmado pa naman ang mga fans, pinasya ng CEO na iconfirm ang balita, para hindi na lumaki pa ang issue, pero hindi si Haneul ang ipapakita nyang babae. Hindi ko alam kung sino. Teka alam ko ata? Nabablangko na ako. Basta sikat rin sya at boto ang maraming fans sa kanya. Ewan ko lang yung iba. Basta alam ko may utang na loob sya kay CEO.
Kung pwedeng si Haneul nalang. Kaso masisira ko ang buhay nya 'pag nagkataon. Isa lang syang ordinaryong tao. Inosente. Tapos gegyerahin ng libu-libo? Ayoko. Mahal ko sya. Pagkatapos nito ay ang kunwariang break-up. Tapos pwede na ulit kaming maging masaya ni Haneul.
"Sungyeol. May idea ka---"
"Wala! Myung... Wala." Naihilamos ko ang palad ko. Nakakafrustrate ang ganito. Akala ko ba bakasyon? Bakit ang daming iniisip?
Lumipas na ang nalalabi pang mga minuto ng nakatulala lang ako. Bea Go ang pangalan nung babae. Dada ng dada ang CEO tungkol sa sasabihin ko at mga gagawin. Um-oo nalang ako. Ayoko na munang mag-isip. Baka kung ano pang magawa ko.
BINABASA MO ANG
Infinite, Uncovered!
FanfictionBuhay ba nila sa likod ng camera? Mga tunay nilang ugali? Home addresses? Nakailang girlfriends na sila? Mga away ng mga myembro? Saan sila pumupunta kapag may free time? Cellphone numbers? Anong tatak ng t-shirts at briefs-ooh, pretend like you did...