Revelation #45

428 9 0
                                    

SUNGYEOL ♥

Sinubuan ako ni Haneul ng ubas. "Feeling mo wala ka nang kamay e meron pa naman." Reklamo nya saka isinubo sa akin ang isa pa.

"Okay na yung kotse." Masiglang sabi ni Manager.

Nadischarge din ako matapos ang ilang araw na pamamalagi sa ospital. Maswerte ako dahil magkablood type kami ni Woohyun at healthy sya. Nasalinan agad ako ng dugo.

Anyway! Ayoko nang pag-usapan yon! Kinikilabutan ako.

Si Nami nga pala, pumunta pa sa ospital para sabihin lahat ng nagawa nila at naging plano. Dahil dun, napagdesisyunan ng CEO na patawarin sya at hindi na kasuhan. Sya rin ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa pupuntahan naming staff ngayon. Tama, dalawang fan, sya at isang staff. Staff ng isang entertainment na hindi ko nalnag babanggitin.

Sinabi ni Nami na gusto kaming pabagsakin dahil sa malinis naming record at pati na rin sa publicity na meron kami. Nawawalan daw kasi ng chance ang iba. Lalo na yung mga rookie na kakasalang palang sa Korean showbiz

"Haneulieee~ Ako naman subuan mo." May ulong sumulpot sa tabi ng mahal ko.

Sumabit sa lalamunan ko yung huling bilog na prutas. Mabilis naman natagpuan ng kamay ni Haneul ang likod ko at hinimas ito. Nahahawa na si Minchan sa bigla-biglang pagsulpot ni Myungsoo kung saan-saan.

"Hindi ka naman kumakain nito e." Tinapik siya ni Haneul sa ulo.

"Lee Sungyeol oh, inaaway ko ng syota mo!" Pag sumbong ni Minchan sakin.

"Totoo naman hahaha-" Napatigil ako sa pagtawa at napahawak sa sugat ko.

"Sungyeol! Okay ka lang?" Bumakas sa mukha ni Haneul ang pag-alala. Tumango ako at nginitian siya. Pinayuhan ako ng doctor na hwag magpagod at gumalaw-- kasama na doon ang pagtawa ng sobra dahit kikirot ang sugat ko.

Niluwa ng pinto si Woohyun. "Ang sabi ni L sunduin mo, hindi makipagchikahaaaan. Kanina pa naming kayo inaantay."

"Minchan-ah! Kakagatin kita." Nag-pout si Haneul. Ang cute talaga ng mahal ko~

"I can't help it. Ang sweet nila eh haha." Lumakad si Minchan patungong pinto at nauna nang bumaba. Tinulungan ako ni Haneul at Woohyun na tumayo, hanggang sa pagsakay ng kotse. Biglang kumabog ang dibdib ko, hindi dahil sa magkakahiwalay kami ng kotse..

Dahil siguro sa makakaharap ko SILA.

Infinite, Uncovered!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon