Revelation #34

458 5 0
                                        

WOOHYUN ♥

Isasara ko ba ito o hindi? 

Hahalikan ko nalang.

*chu*

Ahahahah! Ang cute nyang matulog. Gorgeous. 

Humiga na ulit ako sa tabi ng tulo-laway na si M.A.. Tama! Hinalikan ko sya. Hahahaha! Ang cute cute kasi e. Hindi naman bonggang-bongga yun. Medyo nakanganga kasi sya habang natutulog. Nalawayan na nga yung unan ko e. Buti sana kung sya ang maglalaba. Pero okay lang dahil mahal ko naman sya.

Tumabi ulit ako sa kanya sa kama. Hindi ako makatulog ng maayos. Kanina pa nga paputol-putol yung tulog ko. Para kasing may kakaiba. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Hindi ko nga matandaan yung panaginip ko. Basta nagising nalang ako na hinahabol ko yung hininga ko at kabadong-kabado. 

Hanggang ngayon nga e. Pakiramdam ko may maling mangyayari. Parang may alam akong dapat kong ikabahala pero hindi ko matukoy kung ano yun. Nakakatakot kaya yung ganito. Hindi mo kasi alam kung saan ka dapat mag-alala kaya hindi mo rin alam gagawin mo. Hindi mo alam kung saan ka matatakot.

Pinaikot ko ang braso ko sa beywang ni M.A. at maya-maya ay nakahinga na ako ng maluwag. Nakatalikod sya sakin kaya idinikit ko ang ulo ko sa balikat nya. Naging komportable na ulit ako dahil sa kanya. Buti nalang talaga. Haaaay M.A.. Hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya. Ewan ko ba, pakiramdam ko miss na miss ko na sya eh magkasama lang naman kami kahapon. Hanggang ngayon nga e. 

Alam nyo, ang sarap sa pakiramdam na malaman na may nag-iisang taong kahit gaano pa kagulo yung mundo mo, sa simpleng presensya nya lang, aayos na lahat. 

"Mmm.. kapag yang kamay mo Nam Woo Hyun, gumala sa kung san-saan, patay ka sakin." Biglang nagsalita si M.A. na medyo ikinagulat ko. Para naman kasing horror e. Hehe joke lang ^^

"Wala naman akong intensyong ganun Loves." Tumawa sya. "Yung pananalita ko lang naman yung nangre-rape. Wag kang mag-alala."

Naalala ko tuloy yung sinabi nya dati na nirape sya ng matatamis kong salita. ^^ Nangyayari parin kaya yun hanggang ngayon?

Infinite, Uncovered!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon