Revelation #38

388 10 0
                                    

HOYA ♥

"Hoya, nasa baba na si Krisy." Sumulpot si Myungsoo sa pintuan

"Ah, sige. Salamat sa pagpapasok sa kanya." Ginulo ko ang buhok ni Myungsoo bilang pasasalamat. Naglabas siya ng 'Mmmm.' na tunog bago tumango. Kumunot ang noo ko, sa pag-kaka alala ko ay pumunta raw si Minchan dito sa bahay namin nitong isang araw lang. May nangyari kaya?

Pare-pareho na kasi sila ni Sungyeol at Sungjong. Kung hindi nakatulala, natutulog naman. Tapos kung hindi natutulog ay nagbibusy-busyhan. Si leader Gyu naman halos mamuti na ang buhok sa kakabawal saming anim  Nakaka-awa na lagay ng infinite..

"May kailangan ka pa ba?" Tanong ni Myungsoo.

Lumalala na rin yung mga issue na binabato samin ngayon. Double hit na kay Sungyeol na nasabihan na two-timer matapos ianounce na engaged na siya sa babaeng may apilyedong Go. Si Woohyun naman ay binansagan na na kasama sa mga sikat korean stars na nakabuntis, naging official Namstar na siya.

Dongwoo, sa kabilang banda naman ay halos maign taong kwarto na, kayaga papala ni Sungjong ay naka-enkwentro nila ang mga magulang ng mahal nila. Guess what, parehong ayaw sa kanilang dalawa. Nagawa pa ngang tawagin ng maknae si Dongwoo nang isa sa mga lumang nicknames nito na 'Stupid baby chick' nang malaman niya na halos pareho lang sila ng lagay.

Kay Gyu? Wala akong ibang nalalaman. Maliban nalang na halos atakihin na siya sa puso nang makita ang pasa sa mukha ng maknae, kahindik-hindik na pamulala ng mata ng dinosaur at bakat ng palad sa mukha ng visual namin.

"Wala na, salamat ulit." Bumalik na siya sa kwarto niya at muli kong binilang ang bag ko. Sigurado na ako na kumpleto na ang mga kailangan ko kaya pinuntahan ko na si Krisy sa baba. 

Gaya ng dati ay kumakain nanaman siya. Samut-saring matatamis at malalambot na pagkain ang naka latag sa coffee table sa sala namin-- lahat paborito niya. Paano kaya nakakayanan ng katawan ni Krisy na kumain ng ganyan karami nang hindi lumulobo ang katawan niya? 

(゜。゜)

"Dongwoo-ya, Gusto mo?" Isinubo sakin ng babaeng mahal ko ang isang gummy bear.

"Nakaimpake ka na ba?" Usisa ko sa kanya

"Oo, okay lang ba talaga na sumama ako?" Nakangusong tanong ni Krisy sakin. Sinubuan ko rin siya ng pagkain. Pabusangot na nginuya ni Krisy yung sinubo ko sa kanya. Halatang-halata ko na nag-aalala siya.

"Excited na sila." Pag-aasure ko sa kanya. Nakaabot na rin sa mga magulang ko lagay ng grupo namin. Siguro dahil sa sobrang dami ng masamang balita eh napagdesisyunann nila na pauwiin muna ako. Pumayag naman si CEO hyung sa desisyun nila eomma.

Infinite, Uncovered!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon