HOYA ♥
Hindi madaling magbabysit ng matakaw na alien. Hindi talaga. Kung may alien pang planong pumunta dito na galing sa Mato Planet.. (na akala namin hindi nag-eexist at pakana lang ng TS Entertainment).. Wag ako ha. Wag ako ang puntahan nyo.
"Gummy bearsssss..." Niyuyugyog ako ni Lala, ni mahal na Reynang Lala. Krisylala daw ang name nya. Pero mas maganda yung Krisyblabla dahil madaldal ang alien na ito.
"Wala na eh." Sabi ko nang hindi nakatingin. Naman e. Minsan na nga lang magbasa.
"Bili ka.." Aigoo. Naglilihi kaya 'to? Gummy bears lang kinakain nya simula pa kahapon. Nung mga nakaraan puro noodles naman.. Nag-akyat nga ako dito sa kwarto ng niluto ni Woohyun-- ano nga uli yun? Haha. Nalimutan ko.--Di nya kinain kasi gusto nya raw gummy bears.
Sinara ko ang libro at tumayo na mula sa kama. Kung tinatanong nyo kung saan natutulog si Lala or Krisy. (I prefer Lala) Syempre dito sa kama ko. Ako sa sahig.
Kinuha ko ang wallet kong akala ni Lala, nagsusuka ng pera. Palibhasa kasi... AISH! Tinignan ko ang hitsura ko. San banda ang derp? Ang gwapo ko e. =.=)
"Sama ako..." Nakangiting sabi sakin ni Lala.
Nilingon ko sya. Nakaharap ako sa salamin kanina kaya nakita ko yung ngiti nya, okay? "Lala... Diba sinabi ko na na hindi ako pwedeng makitang may kasamang babae?"
"Bakit ikaw hindi pwede.. Yung iba mong kaibigan okay lang?" Bigla siyang napasinghap "OMO! Don't tell me bak--"
"Oo na sige sumama ka na." Oo nga naman. Sila nga nakikipagharutan sa mga kalaguyo (?!!!) nila, papahuli ba ako? Syempre ako rin.
"YESSS!" Tumayo siya at nagpunta sa banyo. Damit ko yung ginagamit nya. Pero yung alam nyo na, binilhan ko sya. Hindi ko alam kung bakit para kaming tanga nung gabing yun, ako lang pala... ..
*Flashback
"Ui magpalit ka na. Binilhan kita nito." Pinakita ko sa kanya yung alam nyo na. "Yung damit ko nalang gamitin mo ha? Wala naman kasi akong paglalagyan ng damit mo kapag umalis ka na.."
Biglang namula si Lala at napatakip ng mukha. "Earthling hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?"
Naalala ko nung YAMO palang.. Nung binilhan namin si Jiae ng bagay na kulay puting gawa sa bulak, ang dami ring nagreact na parang wala lang sakin.
"Eh bagay lang rin naman yan diba?"
"Ako nga 'tong galing sa ibang planeta tapos ikaw pang walang alam tungkol sa ETHICS!!" Nagtilt ako ng ulo. "Haynako. Thanks na nga lang"
*end
Tapos narealize ko. Mali nga naman pala ako. Euhuehue.

BINABASA MO ANG
Infinite, Uncovered!
FanfictionBuhay ba nila sa likod ng camera? Mga tunay nilang ugali? Home addresses? Nakailang girlfriends na sila? Mga away ng mga myembro? Saan sila pumupunta kapag may free time? Cellphone numbers? Anong tatak ng t-shirts at briefs-ooh, pretend like you did...