Revelation #37

345 7 1
                                        

MYUNGSOO ♥

Pinulot ko ang mga gamt na nakakalat sa sahig at iniligpit ang mga ito. Yung medyas ni Sungyeol na kakalat sa hagdan, nasa ialalim ng sofa yung gamit na pantaas nila Sunjong at Dongwoo. Kahit saan naman ako lumingon, nakikita ko yung mga abubot ni Woohyun. 

Hay

Nagiging pabaya na sila sa gamit. Binuksan ko ang TV namin para naman may marinig akong boses sa loob ng bahay, halos hindi na rin kami nagkikita kita. Tutal tapos na naman akong maglinis ay magbabasa nalang ako ng dyaryo. Inilipat ko ito sa pahinang nakalaan para sa celebrities. Malamang yung grupo ulit namin ang laman nito

Isang artikulo ang nakakakuha ng atensyon ko.

Muli kong binasa ang laman ng pahina. Hindi ko napigilan ang pag-yukom ng palad ko sa pirasong papel. Akala ko sa yung tungkol lang sa INFINITE ang mababasa kong masamang balita. Mukha yatang nagkalamali ako.

Headlines: Is this a start of love?!

Oh Sehun, miyembro ng isang sikat na grupong EXO ay nakita na kasama ang isang babae. Hindi lamang ito nangyari ng isang beses kundi lima!  Dahil sa umuusbong na chismis ukol sa namamagitan kay Oh Sehun at sa babaeng lagi niyang kasama ay kinapanayam na namin siya. Laking gulat ng lahat ng marinig ang sagot ng singer/dance na ito : "Minchan special girl and friend of mine."

What could this mean? 

"Akala ko ba yung matalik na kaibigan mo ang aasikasuhin mo?" Mapait na usal ko.

Alam ko naman na hindi lahat ng laman ng artikulong ganito ay hindi totoo kaso... hindi niyo ako masisi. Ang tagal na naming hindi nag-uusap tapos ganto pa ang mababalitaan ko. Walang matinong tao na matutuwa kapag nakita ang girlfriend niya na may kasamang ibang lalaki.

Mas umigting ang galit ko nang makita ko ang litratong kasama ng balita. Si Minchan at si Sehun na magkadikit at nagtatawanan. Para talaga silang may relasyon.

Akmang ibabato ko na ang hawak kong dyaryo ng biglang may tumunog.

*Dingdong*


Binuksan ko ang pinto, napahigop ako ng hangin ng makita kung sino ang nakatayo sa pintuan ng tahanan namin.. Si Minchan. Mas nalukot sa kamay ko ang tabloid, how can she smile at me like that?


Walang imik ko siyang pinapasok sa bahay. Halos tatlong linggo na rin mula nang mag-usap kaming dalawa. Hindi pa maganda ang kinatunguhan ng pag-uusap naming yon. Nagalit siya sakin nung malaman niya kung sino yung pinag-hihinalaan naming may pakana ng kaguluhan. Of course hindi niya yun napalampas at nag-away kami.

"Myung..."

"Anong kailangan mo?" Bahagyang pagalit ang tono ng boses ko na akin ring ikinagulat. Kumunot ang noo ni Minchan. I had the urge na humingi ng tawad sa tono ng boses ko pero hindi gumagalaw ang labi ko.

Infinite, Uncovered!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon