Revelation #8

1.3K 31 8
                                    

WOOHYUN ♥

Nakauwi na kami sa dorm and it's raining hearts and flowers. Nakakainis talaga. Sa lahat nalang ng pwedeng coincidence, bakit yung maging kamukha ko pa ang rapist na wanted sa Yongin?

Talagang pareho pa kami ng hilatsa ng bigote at disenyo ng salamin?

Ang we-weirdo nga ng mga kasama ko. Ano kayang nangyari nung magkakahiwalay kami? Nag-aalala ako. 

Si L at Sungyeol, wagas makangiti. Parang hindi sila nangangalay, tapos si Sungyeol may katext, tapos yung ringtone nya, babaeng nagsasalita ng 'Lee Sung Yeol.. Lee Sung Yeol...LEE SUNG YEEEOL'. Ang cute nga nung pagkakasabi e. Sino kaya yun? Nangangamoy isda dito. Bulok na ata yung pabango ni Sungjong. 

Si L naman tingin ng tingin sa oras at sa kalendaryo tas ngingiti bigla. Bumabait na sya ngayon. Hindi na sya madaling mairita. Haha. Ang galing.

Si Gyu ata hindi makarecover sa panganganak nya tas inaasar sya ni Jongie kay Jun Ji Hyun. Si Dongwoo? Ewan. Pagbalik namin dito, mukhang badtrip sya eh. Mabilis rin sya magpatakbo kanina pero walang nagrereklamo. Bihira lang naming makitang ganto si Dongwoo. Ano kayang problema nya?

Si Hoya. Nagkulong rin sa kwarto. LQ kaya sila? Sayang, may tig-iisang kwarto na kasi kami e. Wala tuloy akong chika sa kanila.

Dumiretso na rin naman ako sa kwarto ko pero nakipag-asaran pa ako konti. Nakakapagod kayang tumakbo at magtago. Hindi ko naman matanggal yung disguise ko dahil mas mahaba-habang takbuhan ang mangyayari.

Nagising ako ng mga ala-una ng madaling araw. Nakaramdam kasi ako ng uhaw e. Paglabas ko ng kwarto, wala na. Tulog na siguro silang lahat.

Bumaba ako at pumunta sa kusina.

Dahil maganda ang boses ko ay kakanta ako. "Baby my love beautiful..... naneun neoreul saranghaee~"

"Bakit ka nandito?" Nagulat ako nung biglang may nagsalita sa gilid ko. Si Dongwoo pala~

"Nauuhaw ako e. Ikaw, anong ginagawa mo?" Sabi ko habang nagsasalin ng tubig sa baso.

"Asan na yung formality natin, Woohyun?" Muntik ko nang maibagsak ang basong kasalukuyang hawak ko. "Bakit hindi mo na ako tinatawag na hyung?"

Naguguluhan akong humarap sa kanya. Nakaduko sya sa mesa at halatang may iniisip sya. "Diba.. napagkasunduan na nating.. pito.. na...wala nang ganun? Kasi.... ano.."

"Kasi magkakaibigan na tayo." He finished my hanging sentence. Kinikilabutan ako. Hindi kaya.. hindi si Dongwoo 'to at isa lang aparisyon na OHHHH MY MAGANDANG SKIN MUMU LAN GKAYA 'TO!?

"Oo."

"Anong mararamdaman mo kung may aalis sa grupo natin?" Bigla nya akong tinignan. Kinakabahan talaga ako sa tono ni Dongwoo ngayon.

Infinite, Uncovered!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon