Revelation #41

381 8 0
                                    

DONGWOO ♥

Nakakamiss yung mga araw na sobrang saya pa nitong bakasyon na 'to. Nakakamiss yung mga araw na para kaming mga ignoranteng bata na nag-eexplore sa mundo, nakakakilala ng mga tao at nakakatawanan ang mga kaclose namin.

Yung wala pang problema?

Hindi ko matanggap na pinapalayo ako sa kanya ng hindi ko alam ang dahilan. Sinubukan kong tawagan sya pero hindi ko sya macontact. Hindi rin naman sya umuuwi sa bahay nya. Wala na. Hindi ko na alam kung nasaan sya. Hindi ko alam kung nasaan si Dong Jin Woo.

"Dongwoo. Lukot na lukot na yang mukha mo. Cheer up.." Sabi ni Sunggyu pero malungkot rin ang tono nya. Dinutdot nya ang mukha ko pero walang naging pagbabago sa mood ko. Apat na myembro namin ang hindi rin makita o macontact. Hindi pa rin humuhupa ang issues namin bagkus mas lalo pa itong lumala.

Marami na ang lumabas na chismis. Ang iba, totoo. Ang iba, hindi. Paano namin malilinis ang pangalan namin kung hindi kami makapagsalita? Kahit ang mga interviews para sa amin, ginagawang scripted ng procuder ng show. They even told Woohyun to say he is already married and has a family. Hindi ko na kaya ang ginagawa ng mga paparazzi at media ngayon.

"Leader, ano nang gagawin natin?" Umupo sya sa tabi ko at bumuntong-hininga.

"Wala nang sinasabi sa akin si CEO. Ang alam ko, hahanapin nalang nila ang gumagawa ng kwento at kakausapin ang show na nagbukas ng ideya sa fans na biktima tayo." Napangiti ako ng bahagya.

Mabuti, meron pang nasa poder namin. Hindi parin kami nag-iisa.

"Tingin mo mahahanap natin yung may pakana ng pagpapalabas nung mga yun?"

"Siguro.. Sana." Nagring ang telepono namin kaya tumayo na si Sunggyu. Nanatili naman ako sa pwesto ko sa sofa. Eto na yung pinakakomportable kong pwesto ngayong araw at ayoko na munang lumipat.

Pinakinggan lang ni Sunggyu ang kabilang linya at wala syang sinasabi. Tinignan nya ako at maya-maya ay ibinaba na nya ang linya. "Yung CEO."

Napaayos ako ng upo. Ilang araw na rin mula nung huli namin syang nakita at nakausap. "Anong sabi nya?"

"Sabi nya meron na silang maliit na impormasyon pero kulang na kulang pa yon.." Napayuko ng bahagya ang leader namin. "Kung may magagawa lang sana ako."

"Leader naman, 'wag mong sisihin ang sarili mo.."

Nanatili kaming tahimik at maya-maya pa ay nagpaalam si Sunggyu na magpapahinga muna. Bihira na kaming mag-usap ng mga kamyembro ko. Wala na kaming mapag-usapan. Hindi na namin alam kung ano pa ba ang good side ng sitwasyong ito. Maski ang optimism kong kinaiinggitan ni Sungjong, wala na.

Lahat kami, nabablangko na. Gagalaw nalang kapag inutusan o kinausap. Para bang wala na kaming common sense.

Para kaming mga ignoranteng bata. Mga ignoranteng batang hindi alam ang gagawin.

Infinite, Uncovered!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon