SUNGJONG ♥
Tulala akong naglalakad papalapit sa ospital. Kinailangan kong magsuot ng sunglasses para ikubli ang mga namumugto kong mata. Siguro ay napakarami kong iniyak nung gabing yun. Nanlulumo ako. Kahit anong gawin kong pag-aayos, parang hindi rin naman umeepekto.
Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko. Kumuha kasi ako ng damit para sa mga kamyembro ko. Kahapon pa kasi sila dun kaya nagvolunteer na akong kumuha ng damit para sa kanila. Besides, medyo ayos na rin naman ako. Nakarecover? Hindi pa siguro pero kaya ko na.
Nakasalubong ko sa hallway ng ospital ang pamilya ni Sungyeol. Tumango nalang ako sa kanila. Mukha namang papaalis na rin sila para pumunta sa kani-kanila nilang mga buhay pero hindi parin matigil sa kakaiyak ang mama ni Sungyeol.
Nakasalubong ko ang manager namin. Nagkaroon kami ng maikling batian at binigyan nya ako ng pilit na ngiti. Sila ni CEO ang isa sa mapagkakatiwalaan ko ng buhay ko. Hindi nila kami iniwan nung mga panahong wala kaming pag-asa. Sila rin ang katabi namin ngayong sinusuong namin 'to. Sinabi nyang sya na raw ang magbibigay ng gamit ng mga kamyembro ko dahil may babaeng nag-aantay sa akin sa may lobby. Tinanguan ko nalang ulit sya at pumunta na sa sinabi niyang lugar.
Tinanggal ko ang sunglasses ko at tinignan ang area. Sa isang sulok, nakita ko sya.
"Sungjong.. Oh my Gosh SUNGJONG!" Isang mahigpit na yakap ang ibinigay nya sakin. Hindi ko sigurado kung tama ba ang yakapin sya pabalik pero hindi ko parin naman ginawa. Nadudurog ang puso ko ng paulit-ulit sa tuwing naaalala ko ang nangyari ng araw na yon. "Pwede ka bang makausap?"
Tumango lang ako at lumabas kami sa ospital. Nagtungo kami sa malapit na fast food chain at duon kami umupo at nag-usap.
"Nagpaalam ka ba na makikipagkita ka sa akin?" Mahinahon kong tanong sa kanya habang hinahalo ko ang kapeng binili nya para sa akin.
BINABASA MO ANG
Infinite, Uncovered!
FanfictionBuhay ba nila sa likod ng camera? Mga tunay nilang ugali? Home addresses? Nakailang girlfriends na sila? Mga away ng mga myembro? Saan sila pumupunta kapag may free time? Cellphone numbers? Anong tatak ng t-shirts at briefs-ooh, pretend like you did...