Revelation #29

665 14 4
                                        

Night #1
2:26am (Teka? Paranormal Activity?)

HOYA ♥

Halos apat na oras na byahe sumatutal at isang oras na tulog. Dinaanan pa nga pala namin si Jureumi pero hindi sya sinama ni Choding sa bahay ni CEO hyung. HAAAAAYYY. Hindi ko rin alam kung bakit si Sungyeol lang ang pinapunta dun. Walang nakakaalam. Baka papatirahin nya na dun si Sungyeol? Mabuti, este, Bakit naman?

At hindi ko rin alam kung bakit nagising ako.

At hindi ko alam kung bakit hinahanap ko si Jureumi. Sa tabi ko ba naman kasi natulog. Siguro, namimiss si Lala. Haaay. Ako rin. Kung makikilala nyo si Krisy, sya rin si Lala. Bukod sa wala syang alam sa mga nangyari at fangirl ko sya, sya si Lala... Sya si Krisy. Ewan. Nalilito ako.

At hindi ko alam kung anong kumakalabog sa baba. Bakit ba kasi kwarto ko yung pinakamalapit sa hagdan?

At bakit ba kasi hindi namin chineck kanina ang bahay? Pano kung may malignong nakapasok dito? Wala ring nakabukas na ilaw. Lahat kami pagod na masyado para gawin yun.

At may isa pang kalabog! I'VE HAD ENOUGH! Tataekwondohin ko na ang walangyang yun kahit sino pa sya! 

Mabilis akong bumaba ng hagdan at tinignan ang buong ground floor.

At! WALANGYA!!!! WALANGYA TALAGA! Nakakakulo ng dugo.

Yung pakiramdam na may nangyayari pero wala kang makita? WALA KANG MAGAWA?



Ganto kasi yun. Wala nga akong makita. 

At bakit hindi ko buksan ang ilaw? Kaunting lakad lang naman.... Wala namang multo dito.... Wala namang Sungjong na biglang lalabas sa pinto... NAAALALA KO PA YUNG GINAWA NILANG YUN DATI! Wala naman akong pugot ulong makikita. Wala. Walang kung anuman.

"Miyaw."

"AH!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa pusang to!! PUSA KA TALAGA KAHIT KAILAN!!!

"Miyaw.." Nagpaikut-ikot ang puting pusa sa binti ko. Kahit hindi pa ganun kalaki ang pag-aadjust ng mata ko, kita ko sya, forming the infinity sign. Napangiti ako at parang may nabubuong kasiyahan sa dibdib ko. 

Bigla syang tumigil at tumingala papaharap. Sinundan ko yun at.... at...

WALANGYA! May nakita ako! (ㅠ﹏ㅠ)

Pamilyar. Matangkad. Maputi. Maikli ang buhok. Oh.... Parang nakita ko na 'to nung nagdisguise kami eh.......

"Sungyeol?" Mahina kong tawag. Pero bakit naman mapupunta dito yung lalaking yun. Disoras na ng gabi ah? Kinusot ko ang mga mata ko at nang tignan ko ulit ang direksyon na yun... Walangya.. WALA AKONG NAKITA!!!!

Infinite, Uncovered!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon