Revelation #11

1.2K 32 10
                                        

HOYA ♥

"Earthling....." Naalipungatan ako sa isang malambing na boses. Naramdaman ko rin ang kamay ng babaeng yon sa pisngi ko.

Nagising ako mula sa mahimbing kong tulog. Hindi pala magandang lumayas sa bahay ng madaling araw dahil may posibilidad na makatulog ka habang nag-hihintay ng bus.

"Mdjyudjdibsplnejdaa." Naaninag kong tumayo ng maayos yung babae. Anong sabi nya? Mdjyud----

*PAAAAAAAAAAAAAAAK!!!*

"ARAY!!" Napahawak ako sa pisngi kong biglang sinampal ng malakas nung babae. KAMUNTIK PA AKONG MALAGLAG SA INUUPUAN KO!!

"Sorry Earthling." Parang robot nyang sabi. Naguguluhan ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa. Ang weird ng damit nya. Parang may plastic cover yung dress nya tapos may kumikinang na aura sa loob.

Ang weird pero ang ganda.

NIYA.

Tinignan ko ang mukha nya. Nakatitig lang sya sakin kaya malinaw ang view ko sa mukha nya.

"Earthling. Diba may mga bahay kayo? Bakit...." Nilibot nya ng tingin ang waiting shed at naguguluhang tinignan ako. "ETO ANG BAHAY MO!!?"

"Baliw ka ba Miss? Bakit ko naman magiging bahay 'to?!!" Sagot ko sa kanya. Ayos na sana e! Malalove at first sight na ako kaso nagsalita pa. "Mukha bang matutuluyan ng matinong tao 'to?!"

Naconscious ako bigla dahil naalala kong wala palang dapat makaalam na ako to! Kasi naman e! Pati naman siguro si Dongwoo maiinis kung may biglang sasampal sa kanya diba?! Tsk. Baka pagkaguluhan ako a..

Pero nang tignan ko ang paligid...... Nakahinto ang mga tao. Maski yung papel na nilipad nakahinto lang rin sa hangin. Nakapause ang lahat....

IMPOSIBLE NAMAN ATANG PANAGINIP TO?! SOBRANG SAKIT KAYA NG SAMPAL NYA SA AKIN!!

Sinilip ng babae ang mukha ko. "Earthling... naguguluhan ka ba? Gusto mong ipaliwanag ko sayo?"

Nagkunot-noo ako sa kanya tapos natawa sya. Tumayo ulit sya ng maayos. "Ehem. Ako si Queen Lala ng Mato Planet. I don't usually come in peace pero para sayo, sige, hindi muna ako magpapakaloka-loka......"

Ano... ANO?!! QUEEN LALA? MATO PLANET??!

KUNG HINDI LANG NAKAHINTO ANG MGA NASA PALIGID KO IISIPIN KONG GALING SYA NG MENTAL HOSPITAL.

Panong... BAKIT.... ? Anong ginagawa nya dito kung galing nga sya sa ibang planeta? Kukuha ba sya ng isang human at pag-eeksperimentuhan??!

"----So ayun nagflylaloo ako papunta dito sa Earth kaso mali ang nilapagan ko. Paglapat ng paa ko dito, ikaw ang una kong nakita so naisip ko pwede mo akong tulungan kaya pinahinto ko muna yung oras pero dahil sa sinuot kong bracelet sayo hindi ka naapektuhan ng kapangyarihan ko--"

Infinite, Uncovered!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon