SUNGGYU ♥
"Yun, ano masasabi mo?" Naririnig ko yung tibok ng pulso ko sa tenga. Nakapa-weird, huling pag-kakaalam ko ay naramdaman ko ang ganitong klaseng kaba nung nag-debut ang Infinite, nung unang concert namin at ang unang pagsali namin sa mga awardings at contest.
Matagal na panahon na yun pero alam ko parin yung pakiramdam kapag earnest ka sa isang bagay.
Inantay kong sumagot mula sa kabilang linya si Nami. Halos dalawang oras na kaming nag-uusap at namumula na ang kaliwang tenga ko. Kanina yung kanan yung gamit ko kaya pareho nang namumula yung dalawa.
Pati tenga naiinlove sakin ♥~(‘▽^人)
Si Nami inlove na rin to (Kapalan ang mukha). Sampung oras ko atang inipon ang lakas ng loob na ito! Para ayain siya sa date na pinag-isipian ko naman ng one hundred and eight hours. Nacheck ko na rin yung lokasyon~
Ang tagal niyang magsalita..
Ibig sabihin ba nito ayaw niya?! Nakakapanlumo naman kapag ganun.
(ZZZZZzzzzzzZZZZZZ) Mahinang hilik ang narinig ko. Tinulugan niya ako! 'Tong tour guide talagang to, hindi manlang sinabi na pagod na siya. Edi sana kanina ko pa siya hinayaang matulog. Pwede ko pa siyang kantahan ng lullaby.
Pinatay ko ang tawag at tumitig sa kisame ng kwarto ko.
Naubos na yung lakas ng loob ko na tanungin siya ulit tungkol sa date. Haa.. Hindi ko na ulit magagawa yun! May hiya pa naman ako.
"Alam ko na.." Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Nami.
To: Ernami (´∀`)♡
Message: Goodnight. Bukas magkita tayo sa *isang bus stop sa korea*. Aantayin kita ng 9:oo sharp. See you.
Sent! Yan, lagot siya sakin pag hindi siya pumunta bukas.
*Blag!*
O-oh. Matutulog na ako bago ko pa maranasan yung nangyari nung isang araw. Matutuluyan ako pag nag Déjà vu at makita ko kung ano man yung nakita kong hindi dapat makita!
KINABUKASAN
Mga Tsupan, hindi ako nakatulog. Pumipikit... .pumipikit na yung mga mata ko...
"Sunggyu Oppa~" Napadilat ako ng sobra Nang maranig ko yung sinabi niya "Ay ang galing! Lumagpas sa record mo sa weekly idol yung laki ng mata mo!"
"Natural! Nakakakilabot yung narinig ko eh" Hinilot ko ang sintido ko. Nagsalubong yung kilay ni Nami. Sabay umupo siya si sa bunganga ng slide "Anong ginagawa mo??" Natataranta kong tanong.
BINABASA MO ANG
Infinite, Uncovered!
FanfictionBuhay ba nila sa likod ng camera? Mga tunay nilang ugali? Home addresses? Nakailang girlfriends na sila? Mga away ng mga myembro? Saan sila pumupunta kapag may free time? Cellphone numbers? Anong tatak ng t-shirts at briefs-ooh, pretend like you did...
