Revelation #14

1.1K 25 7
                                    

 Camiie: Pasensya na sa super duper late na update. Packed ang sched namin ni Seuri eh. [S: Opo. sobra. mahirap po magkaroon ng maraming boyfriends :/ . Lels. bakit ba ako nakikisingit sa author's note ni camiie] Pasensya na talagaaaa. (_._ ""). LOL may bata nanaman sa update ko [S: oo nga, hindi halatang ayaw mo sa bata XD] Ieedit ko po to sa monday. Marami akong--- irerephrase ko, MARAMI kaming exam. Kailangan mag-aral. [S: Mangopya nalang tayo o kaya mangodigo]

[S: Dinagdagan ko konti pero bitin parin XD]

∞ I ∞ N ∞ F ∞ I ∞ N ∞ I ∞ T ∞ E ∞ 

MYUNGSOO ♥

Anong oras na ba?

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto ko.  ORAS NA!

Dali-dali akong sumulyap muli sa salamin para ayusin ang itsura ko bago lumabas. Pagkadaan ko sa Hallway ay nadaan ko si GrandPa Gyu na naka-apron at may panyo sa ulo. Mukha siyang nanay namin! Haha.

“Grandpa Gyu aalis na ako.” Sabi ko sa kanya habang hinihigop ng mini vacuum ang alikabok sa sahig.

“At saan ka pupunta?”

“Mamimili lang” Kating-kati na ako na maka-alis sa harap niya. MALALATE NA KO. Hindi maganda na mag-antay ang babae sa date niya, baka isnobin na ako nun--- heh hindi nga pala ganun yung ugali niya. Nakakausap ko din kasi yung LANGIT ni Sungyeol ngayong nahanap ko na ang cellphone ko. Ang kwento nga nya eh, ang rami ko na tuloy alam.

“Ang porma naman ng damit mo para sa pamimili.” Mapanuring sabi ni Sunggyu

Kailangan ko na talaga umalis, kung hindi mabubuking ako sa kalokohan ko.

Eh?

Hindi naman kalokohan 'tong ginagawa ko ah, SERYOSO AKO KAY MINCHAN! Magpapalusot na nga lang ako.

“Alerto ako sa camera kaya ito suot ko. Ganto nalang. Hahayaan mo akong lumabas ng ito ang suot ko o magpapalit ako ng pajama?” Pakikipag bargain ko sa leader naming na hindi naka-eye liner

Sa loob loob ko: Bakit ako magpapajama?! Wala naman yun sa trabaho! Isa pa nagsasawa na akong pinagpyepyestahan ang litrato ko. Kahit isang damit ko man lang sana hindi makita ng iba. 

Nadedepress din ang mga visual kahit pa paano! Kapag ako talaga pumangit....

Isang beses nga, napagtripan kong pirmahan yung isang kotse. Pinicturean nila. Tapos kumalat agad sa internet. Maganda naman yung sulat kamay ko, kaso hindi ko kilala kung kanino yung kotse. Buti nalang hindi pinalinis sakin!

“Aish. Sige na, alis na. Siguraduhin mo lang na babalik ka ng buo’t walang kulang” Itinapat niya sakin yung vacuum at napaatras ako. Delikado yun. Baka labag sa loob niya ang pagpayag at planong ipahigop ako sa vacuum para di makaalis? Ahahaha.

Infinite, Uncovered!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon