MYUNGSOO ♥
"Kami na ni Haneul ang maghahatid ng pera at susundo kay Minchan."
Malinaw ang pahayag na ito ni Sungyeol pero hindi ko matitiis na mag-antay nalang dito.
"Hindi pwedeng hindi ako sasama." Mariin kong sabi kay Sungyeol.
"Myungsoo sinabi nilang gusto ka rin nilang makuha pero hindi ibig sabihin nun na ipapain ka." Nag-aalala nyang sagot sa akin.
Hindi naman ako nagpapakaganun. Gusto kong sumama dahil gusto kong iligtas si Minchan. Hindi ako magpapakabayani. Ililigtas ko lang ang babaeng mahal ko.
"Pasamahin mo na sya. Mas mag-aalala sya pag nandito lang sya." Sabi ni Woohyun habang inaayos ang mga gamit na nakakalat sa mesa. "Ako na ang maiiwan at kakausap sa mga pulis."
"Sasamahan ko nalang si Woohyun dito." Sabi ni Sungjong. "Ayos lang ba?"
"Oo naman, Sungjong. Ayaw naming madamay ka pa dito." Malumanay ang boses ni Sungyeol at halatang nag-aalala sya para sa amin. Tinignan nya ako ng nakikiusap.
"Sungyeol. Sasama ako." Mahina ngunit malinaw kong sabi sa kanya.
Bumuntong-hininga sya. Siguro naman naiintindihan nya ako. Alam kong kung sila ni Haneul ang naipit sa gantong sitwasyon, eto rin ang gagawin nya. Marahan syang tumango at ngumiti ng bahagya sa akin.
Nagmamadaling pumasok si Haneul at humarap sa aming apat. May dala syang duffel bag na umuumbok ang laman. "Nakuha ko na yung perang pinahiram ni lola. Pupunta raw sila dito, Woohyun, ikaw na ang bahala." Tumango naman si Woohyun sa mahinang pahayag na yon tapos tumingin si Haneul kay Sungyeol. Tumingin rin sya sa akin, tila nag-aantay ng desisyon pero wala akong masabi. Makailang beses muna syang huminga ng malalim bago magsabing puntahan na namin si Minchan.
Nagpahiram rin ng sasakyan ang lola ni Haneul na syang ginamit namin papunta sa lugar na sinabi ng mga kidnappers. Si Haneul ang nagdadrive papunta sa gubat na iyon. Ang sabi nya ay nagagawi sila doon ni Minchan kapag nagliliwaliw sila. Malayo ang byahe pero walang nangahas na magsalita sa aming tatlo.
Wala namang dapat sabihin.
Malaki ang hiningi nilang pera at sinabi pa nilang kailangan rin ako bilang kapalit ni Minchan. Handa naman ako.
Kahit ano naman gagawin ko para sa kanya. Kahit ikamatay ko pa. Gagawin ko, maging ligtas lang sya. Hindi tamang masaktan sya dahil lang may gustong makakuha sakin. Pero gusto lang ba talaga nila akong kunin kaya nila ginagawa 'to? Kinakabahan ako.
Matapos ang mahigit na isang oras na pagmamaneho ay sinabi ni Haneul na nandito na kami. Pinatrolan na raw ito ng mga pulis na nagpanggap na sibilyan pero hindi ko maramdaman na ligtas kami. Parang nakasunod sa likod namin ang kapahamakan at wala syang planong lubayan kami.
Pakiramdam ko ay nasa panganib ang mga buhay namin. Kahit pa may susunod na pulis. Kahit pa alam naming kaya namin to. Kakayanin namin ito. Sana.
BINABASA MO ANG
Infinite, Uncovered!
FanfictionBuhay ba nila sa likod ng camera? Mga tunay nilang ugali? Home addresses? Nakailang girlfriends na sila? Mga away ng mga myembro? Saan sila pumupunta kapag may free time? Cellphone numbers? Anong tatak ng t-shirts at briefs-ooh, pretend like you did...