Revelation #17

998 22 3
                                        

 SUNGYEOL ♥

Ang time raw, precious. Hindi na pwedeng sabihing gold kasi maski ang gold, nabibili na.. Minsan pa nga nakakakain na diba?

Time is Precious. Kailangang sulitin ang bawat oras. May mga taong nawawalan na agad, kaya hangga't may pagkakataon, sulitin natin ang oras kasama ang mga bagay na ayaw nating mawala sa atin.

Pero bakit ako? Hindi ko pa nga sya nakakasama ng matagal. Bakit mawawala na agad sya?

Yung iba, natutulog-tulog nalang, pampalipas oras. Habang yung iba, umiiyak kasi humihiling sya ng kahit konting oras manlang para makasama nya pa yung gusto niyang makasama.

Bakit parang ang sakit naman masyado nito?

Minsan naguguluhan rin ako. Sabi kasi.. Mabagal ang oras kapag bored ka. Pero hindi naman ako nabobore kasama sya.. Bakit pakiramdam ko, ang bagal ng oras? Humihinto pa nga kung minsan..

Kapag masaya ka naman daw, mabilis ang oras. Pero bakit ganun, hindi naman ako masaya ngayon. Bakit ang bilis ng oras? Bakit bukas aalis na sya agad? Parang hindi pa nga lumilipas ang isang araw nung makilala ko sya't pinakabog nya ang puso ko... pero.. Bakit bukas aalis na sya?

*Haneul Dialing...*

Pang ilang tawag ko na ba ito sa kanya?

Ang saya-saya ko pa nung huling nagkita kami. Tapos bastos rin pala sya eh. Kung kelan nahulog na talaga ako.. kung kelan gusto ko nang kami na talaga.. kung kelan, nung araw rin na yon, alam kong ayoko na syang mawala.. saka niya sinabing aalis sya.

*Number busy..*

*Doo..doo..doo..*

"Aaaaaaah...." Gumulong ako papunta sa kabilang gilid ng kama. Doon, nakita ko yung picture naming dalawa nung nagdate kami.

Mamamatay na ata ako....

Inabot ko ang picture frame na yon at tinitigan ang mukha nya kahit kabisado ko na yon.

"Bakit ba ikaw yung nagustuhan ko ha? Hindi ka naman ideal girl." Hinaplos ko yung nakangiti nyang mukha.

"Ang gulo-gulo mo pa. Kain ka ng kain, hindi ka nga sexy.. tapos ang dami-dami mong kinekwento. Lagi ka pang nadudulas. Lampa ka talaga eh!" Alam kong magmumukha talaga akong tanga kapag niyakap ko yung frame pero niyakap ko parin. "Mas malakas ka pa nga mangtrip sakin. Tapos para ka pang galing sa mental. Ang hirap mo ring hulaan at diktahan.. pero anong magagawa ko?... Gusto talaga kita e."

Bakit kaya? Ipinikit ko ang mga mata ko at inisip na sya ang kaakap ko. Basta. All I know is, there's so many reasons to love her.

Napamulat ako at agad na kinuha yung cellphone ko nang biglang magring iyon. Puno ng pag-asa kong tinignan kung sino ang tumatawag pero nadisappoint rin ako.

Infinite, Uncovered!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon