WOOHYUN ♥
Handa na ba kayo? Sa pinaka nakakagulat
Nakakatigil puso.
Nakaka inlove.
Nakakalaglag panga..
NA MANGYAYARI?!
Ngayon, Inspirits, inuutusan ko kayo na kumuha ng maraming papel. Magda-drawing tayo! Ngunit, dapat siguraduhin niya na susundin niyo ang sasabihin ko. Lahat ng detalye. Kung hindi magtatampo ako ng sobra-SOBRA. Sa kasobrahan nito ay hindi mo na makakaya kaya sasabog yung puso mo ~
Game na?
Una, Kumuha ka ng papel.
Magdrawing ng isang bilog at sakupin ang buong papel. Teka oblong pala!
Tapos manghiram ng pangkulay na kulay berde. Isang light at isang dark.
Kulayan ang itaas na part ng bilog (Loob) gamit ang mas madilim na green. Kulayan din ng madilim na berde ang maliit na porsyon ng ilalim ng bilog (loob). Naiintindihan niyo pa ba ako mga inspirit?
Tapos, kulayan ng light green yung natirang space ng oblong niyo.
Alam niyo ba kung ano yan?
Isabit niyo sa matayog na puno para malaman niyo!
"Woohyun-ah! Iiwan ka na namin." Bulyaw ni Sunggyu mula sa hindi kalayuan. Tinaggal ko ang tsinelas ko at naglakad sa maputing buhangin. Totoo nga yung sinabi nila, white sand at malinis na tubig ang meron dito.
Hindi ko naman sinasabi na dito lang, buhangin din kasi yung nasa ilalim ng tubig kaya nakaka tuwa. May mga isda rin na nagswiswimming kahit dito sa mababang parte ng beach. Nakaka-amaze!
ε=ε=ε=ε=┏( ̄▽ ̄)┛
"Bilisan mo Woohyun." Hinatak ako ni Myungsoo pa-akyat sa isang bangka.
"NAGIGING BRUTAL KA MYUNGSOOO." Muntik nang sumabit yung binti ko sa dulo ng bangka. Umupo ako ng maayos para tiignan kung nadamage nanaman ako, wala naman pala haha. Nagiging OA ako.
Umandar na ang maliit na bangka, Nagmomoment pa ako sa tubig. Biglang pumasok sa isip ko yug motorsiklo na puno ng hello kitty, Napangiti ako. Sinong mag-aakala na ganun kabilis kong siyang makikita.
"Ang bagal mo kasi Hyung." Reklamo ni Sungjong. Si Sungjong na kakagaling lang sa date nila ni Patricia. Masakit parin, pero hindi na ganun kalaki yung epekto sakin. Somebody else caught me when I fell. ♥
"Oo nga, ang init pa naman." Dinagdagan ni Sungyeol ang sinabi ng maknae namin. TEKA NGA! Pinagtutulungan ba nila ako??

BINABASA MO ANG
Infinite, Uncovered!
FanfictionBuhay ba nila sa likod ng camera? Mga tunay nilang ugali? Home addresses? Nakailang girlfriends na sila? Mga away ng mga myembro? Saan sila pumupunta kapag may free time? Cellphone numbers? Anong tatak ng t-shirts at briefs-ooh, pretend like you did...