Revelation #4

1.8K 41 9
                                    


SUNGYEOL ♥




"♫ It's raining men! Hallelujah! It's raining men! Amen!

I'm gonna go out to run and let myself get absolutely soaking wet!

It's raining men! Hallelujah!"



Sino bang nagsabi samiin na walang bagyo? Brrr! Ang lakas kaya ng hangin. Ang daya naman ni Woohyun eh. Dapat lahat kami lumabas para magsaya. Plano ko pa naman sanang kunin yung payong nila para maliligo kaming lahat sa ulan.


Sabi ni Hoya susundan na namin. Kaso kumontra naman si Sunggyu, sayang!

  

Napadaan ako sa harap ng isang desserts shop. Wooow! Masarap siguro kumain dito, kaso malakas yung ulan.Hindi naman kaya magmukha akong sira kung kakain ako ng ice cream pag-umuulan? Heh, wala akong paki kung ano isipin nila! Pero mukhang mas masarap yung cake kaysa sa ice cream?

  

Nothing's gonna stop Lee Sungyeol now!


Teka, hindi pwedeng ako lang ang magkaroon ng calorie! Dapat yung naiwan din sa dorm lalo na si Myungsoo! Trinatraydor niya ako huhuhu mas love niya ata si Jongie sakin. Isasama ko na rin sila Woohyun, Dowgwoo at Hoya! para mabawasan yung pagka firm ng abs nila. Hindi na si Sunggyu, idol ko yun kahit gurang na sya.


Buti pala nadala ko yung wallet ko, kaso naiwan ko naman yung cellphone ko. Hindi ko tuloy sigurado kung anong cake yung magugustuhan nila. Ilang beses tuloy akong tinignan ng masama nung cashier dahil paiba-iba ang pinipili ko pero sa huli ay Black Forest ang binili ko.


Mabait ako diba? Kahit na pinahanap nila sakin si Jongie ay binilhan ko parin sila ng pasalubong. Pero ngayon lang ako magiging mabait kasi ayaw ko pang kunin ako ni Lord.


"Kuya gusto mo?" Isang maliit na batang babae ang lumapit sakin sa labas ng shop at inabutan ako ng candy. Kinuha ko naman kahit sinabihan ako ng nanay ko na 'wag tumanggap ng candy galing sa estranghero.


 "Wow, salamat......?"


"Claire po."


"Salamat sa candy, Claire! Bakit nandito ko sa labas, It's raining cats and dogs!" Pagpapaliwanag ko sa bata. Hindi naman siya mukhang gusgusin at maayos naman yung papanamit niya. Hindi kaya nawawala siya?


"Cats and dogs? Oppa nakakatawa ka hehehe" Nagpipigil ng tawa ang bata, Cute! Nalala ko sa kanya yung kapatid kong lalaki. Sinabihan pa ako nila Sunggyu nun na mas gwapo pa yun kesa sakin. It Hurts. :(


"Mas maganda ba kung sinabi kong umuulan ng chocolate at candy?" Sabi ko with matching hand gesture pa. As if on cue ay lumakas ang hangin, tinangay ng malakas na hangin ang payong na inipit ko sa bandang leeg ko at pareho kaming nabasa. 


Nagbibiro lang ako.


Mas basa ako sa kanya, nakakapote si Claire pero ako naka hoodie lang.

Infinite, Uncovered!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon