SUNGJONG ♥
"Tulungan mo muna ako please?" Bulong nung babae sakin.
"Ano bang meron, miss?"
Patuloy lang kaming naglakad ng padirediretso. Nakapatong parin yung ulo nya sa balikat ko at kulang nalang, magholding hands kami.
Hindi siya Koreana, panigurado. Pero magaling syang magkorean. Wow. Talented si ate.
"Kasi ano eh.. May humahabol sakin. Ayaw akong tigilan." Bigla nya akong hinila papapasok sa grocery store tapos nagtago kami sa pinakadulong aisle. As in yung sa dulong-dulong corner talaga!
Nagtago siya sa likod ko pero sumisilip naman siya sa balikat ko. Baka naman drug dealer 'to na hinahabol ng pulis?! O criminal?!! OMYGOSH HELP MEHHH!!
Breathe in breathe out Sungjong. Hindi naman siguro..
Tinignan ko ang mukha nya. Hmm. Parang hindi nga naman. Mukha nga siyang malungkot kasi yung lips nya nakapout. Humarap ako sa kanya kaya para makita ng maayos ang mukha nya.
Pero naaattract ako sa labi nya.
Parang pakwan sa pula.. tapos.. parang ang sarap... kagatin.
HALA ANO NA TONG PINAGSASABI KO!! NAHAWA NA AKO SA KALANDIAN NI WOOHYUN!
Bigla tuloy akong nailang. Kaming dalawa lang kasi. Nandito kami sa aisle ng mga wine at alam nyo naman sigurong bihira lang ang tao sa gantong parte ng grocery stores? Hala! Baka nalaman nyang ako si Lee Sung Jong at balak nya akong rape-in dito?!
Baka para syang yung babae sa elevator na biglang humalik sakin almost two years ago! WAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!! Byuntae fangirl!!
Sumilip-silip sya tapos humarap na sakin. Biglang nanlaki ang mata nya at napatakip pa sya sa bibig nya.
Nanlaki rin ang mga mata ko. Ano namang problema nito? Imposible namang may nakita syang multo sa likod ko dahil mga wine ang nandito. Ang cute nya na oh.
"Sung....S-Sung...SUNGPffjshsjstt-----" Mabilis kong tinakpan ang bibig nya bago pa man nya maisigaw ang pangalan ko. Wooh! Hwag naman sana akong mapahamak dahil sa kanya. Di pwedeng malaman ng media na pagala-gala nalang ang Infinite!
Grabe pa naman mga Paparazzi ngayon. Kailangan mo nang magRun Devil Run para makaiwas sa mga Express 999 nilang chismis. Madalas pa naman yon mag-Echo tapos mapapasabi ka nalang ng Oh! em Gee.
Namimiss ko nang magfanboy sa SNSD.
"Wag kang maingay" Bulong ko sa kanya. Tumango sya at nang tanggalin ko ang kamay ko sa mukha nya.
Napapikit sya at kulang na lang ay tumalon sya ng tumalon para ipakita ang kasiyahan nya.

BINABASA MO ANG
Infinite, Uncovered!
FanfictionBuhay ba nila sa likod ng camera? Mga tunay nilang ugali? Home addresses? Nakailang girlfriends na sila? Mga away ng mga myembro? Saan sila pumupunta kapag may free time? Cellphone numbers? Anong tatak ng t-shirts at briefs-ooh, pretend like you did...