MYUNGSOO ♥
Si Sungyeol, naiissue na ikakasal kay Bea Go, na hindi naman totoo, at makalipas ang ilang linggo ay ibinalitang nangangaliwa sya dahil sa mga lumabas na pictures nila ni Dong Haneul.
Si Hoya, pinagkaguluhan ng media ng kasama ang nobya nya.
Si Woohyun, ibinalitang nakabuntis.
Publicity. May nagsabing publicity ang tawag kapag pinag-uusapan ka ng tao. Kesyo pangit o maganda ang sinasabi sayo, publicity yon.
What's worse is pipilitin kang unattend ng isang interview para gumawa ng publicity. Papaharapin ka sa mga tao, pagpapanggapin na ayos ka lang at itutulak ka para magsabi ng mga bagay na maaaring ikasama ng image mo. Mamanipulahin ka. Kahit anong bait mo, makokontrol ng media ang utak ng mga tao sa kung paano ka nila gustong makita.
"Disband is an option, Jungyeop. Alam mong hindi na sila kaagad titigilan ng fans." Rinig kong sabi ng staff.
"Hindi pwede. Kahit ibenta ko lahat ng ari-arian ko makaalis lang ang Infinite sa gulong ito, gagawin ko."
"Bayaran mo nalang kaya ang mga network?"
"No, hindi natin alam kung sino pa ang mapagkakatiwalaan. Kapag lumabas ang balitang binayaran ko sila, mas magmumukhang guilty ang Infinite."
I tried to relax. Tinignan ko ang relos ko at alam kong sa ilang sandali ay papapuntahin na ako sa stage. Siguro gagaan ang loob ko kung nandito si Minchan sa tabi ko ngayon, o kung kausap ko manlang sya sa telepono pero hindi naman mangyayari yun ngayon dahil magkaaway kami. Malaki ang tampo nya sakin pero may tampo rin ako sa kanya. Basta, parang ayoko muna syang kausapin.
Makalipas ang ilang minuto, narinig kong tinawag na ang pangalan ko kaya lumabas na ako sa dressing room. Magulo sa backstage. Busy ang lahat ng tao at nagsisiksikan na kami. Nakita kong bumaba sa backstage ang EXO-K. Nakasalubong ko sila at binati nila ako ng may galak. Inasahan ko namang kakausapin ako ni Sehun dahil malamang sa malamang, alam nyang nabalitaan kong malapit sila ni Minchan sa isa't-isa.
"L." Maikli nyang pagbati sakin. Alam kong inaantay nyang sumagot ako pero balnkong ekspresyon lang ang ibinigay ko sa kanya."Nasabi sakin ni Minchan na nagkaroon kayo ng samaan ng loob dahil sakin. I'm sorry."
"Sorry? Hindi naman na kasi nyan mababawi yung nangyari e." Pinanliitan ko sya ng mata at nilapitan ko sya. "Alam mo bang sa pagsagot mo sa interview na yun, mas in-expose mo pa ang GIRLFRIEND KO sa media."
"Kung hindi ko sinabi kung ano sya sakin, kung hindi ako nagsalita tungkol dun, malamang lalaki lang ang issue sa pagitan namin." Kalmado nyang sabi. "And I am pretty sure na mas hindi mo gugustuhing marinig mula sa media na merong namamagitan sa amin."
"Just stay away from her."
"No can do. Hindi ako lalayo sa kaibigan ko dahil lang sinabi mo."

BINABASA MO ANG
Infinite, Uncovered!
FanfictionBuhay ba nila sa likod ng camera? Mga tunay nilang ugali? Home addresses? Nakailang girlfriends na sila? Mga away ng mga myembro? Saan sila pumupunta kapag may free time? Cellphone numbers? Anong tatak ng t-shirts at briefs-ooh, pretend like you did...