DONGWOO ♥
Limang dahilan kung bakit ko kinakain ng may balat ang mansanas:
Una, masustansya rin ang balat nito.
Ikalawa, cool tignan. Mwehehe.
Ikatlo, hindi ako marunong magbalat ng apple. Kapag pinabalatan mo sakin ang isang prutas ay halos makakalahati na 'yon sa kapal ng tinatanggal ko.
Ikaapat, joke lang yung ikatlo. Ginaya ko lang yung sa nabasa kong libro.
Ikalima, wala na akong maisip na ikalima kaya bahala na kayo dyan.
Bakit nga ba tayo napunta sa apple? Mwehehe. Natatandaan nyo pa ba nung tumakas ako sa mabait naming leader?
Napadpad ako sa isang fruit stand nun. Ewan ko ba. Ang layo-layo ng nilakbay ko, sa fruit stand lang ako bumagsak. Kaya ngayon...
MOUAHAHAHA! Dala ko ang aming kotse! Bibili ako ng maraming prutas at ng prutas prutas prutas! Nyahaha. Reregaluhan ko ang mga kamyembro ko lalong-lalo na si Sungyeol! Nagkakape na naman, sinabi nang masama e. PASAWAY SYA!
Pero mas pasaway ako...
DAHIL HINDI AKO NAGPAALAM. MOUAHAHAHAHAHAHA!!!
Dalawang araw na rin naman ang nakalipas. Nakalimutan na nga ata ni Sunggyu ang pagtakas ko sa kanya.. KAYA IPAPAALALA KO. Nyahahaha! >:D
Alam nyo ba, may virus sa bahay. Parang lahat sila inlove na. PATI SI LEADER GYU! Ewan. Ang sasaya nila. ╮(╯_╰)╭
Sabi ni Woohyun 'I feel LOVED.' (Tinanong ko kung ano bang nararamdaman niya at bakit ang sarap-sarap nyang magluto.)
Ang sabi ni Sungyeol 'Mahal ko si Jureumi.' (Sabi ko lang gusto ko ng siopao.)
Ang sabi si Sungjong 'Ang pag-ibig ko ay nakakatuwa.' (Sagot nya yan sa pangangamusta ko.)
Ang sabi naman ni Hoya 'My love will be forever.' (Sabi ko kasi iiwan ko na sya dahil ayaw nya akong pahiramin ng pangkulay. ANONG CONNECT DIBA!)
Sabi ni Myungsoo 'INFINITE L is for INFINITE LOVE~' (Na kinontra ko, sabi ko L is for Loser. Haha)
At ang sabi ni Sunggyu: 'Masama bang mainlove?' (Tinanong niya yan.)
Siyempre sinagot ko yan. Sabi ko sa kanya, 'Alam mo Leader, ang pagmamahal, parang mata mo lang..
Nandyan pero hindi nakikita..
At kapag lumaki...
Kailangan nang maghanda dahil isa iyong WARNING!

BINABASA MO ANG
Infinite, Uncovered!
FanfictionBuhay ba nila sa likod ng camera? Mga tunay nilang ugali? Home addresses? Nakailang girlfriends na sila? Mga away ng mga myembro? Saan sila pumupunta kapag may free time? Cellphone numbers? Anong tatak ng t-shirts at briefs-ooh, pretend like you did...