GRUMPY JUREUMI (='.'=)
Miyaw. Miyaw. Ako si Jureumi. Hindi ba halata? Grumpy ako. Idol ko yung isang pusa na laging nakabusangot. Nakita ko sya nung nakaharap ang alila ko sa isang parihaba at umiilaw na bagay.
Hindi ko alam kung anong tawag dun dahil isa lang akong hamak na pusang hindi naman nag-aaral. Gayunpaman, may mga nalalaman naman akong mga salitang sapat na para maintindihan nyo ako. Bakit?
Kasi PUSA ako.
Hindi ko alam pero pwede na sigurong dahilan yan.
Gusto kong guluhin ang lahat ng ginagawa nyo. Tulad ng pag-upo sa isang parihabang bagay na may mumunting mga parisukat na inyong pinipindot kapag nakaharap kayo sa umiilaw na bagay. Pati na rin ang pangdurukot sa inyong mga pagkain at kung anu-ano pang kakayahang tanging pusa lang ang makagagawa.
Gusto ko rin kayong kalmutin na lang bigla sa kadahilanang nangangati ang aking mga paa at alila ko lang kayo.
Gusto ko ring sukahan kayo bigla-bigla pero hindi ko magagawa 'yon dahil hindi pa ako matanda at hindi ako kumakain ng hindi masarap.
*kagat*
"Aah! SXC1 JH3UROOMH11 QKINUAG4TH 4CKU0!!" Sumigaw ang isang alila kong mapayat ang pangangatawan at may pagkababae ang pagkilos. Ang sarap nya talagagang kagatin.
"Nu4bvaqkunu4hu4n nu4h cx!4. Uqckee luan6 i4n." Nagsalita ang isa ko pang alila na sya namang laging kasama ng aking pinakamamahal na alila. Sya ay parang ako na isang bantay salakay. Tahimik sa una ngunit biglang susugod.
Mabuti na lamang at wala ang mortal kong kaaway na si Alila #2 Ang alila kong iyon! Palagi nalamang akong pinagtitripan. Kung maaari lamang na kagatin sya sa kanyang mga labi at nang hindi na sya makangiti ng maganda.
Nasaan kaya ang matalik na kaibigan ni Alila #2? Napakapapangit na nilalang! Marahil ay nagkukulong na naman sa kaniyang kwarto kasama ang isang babaeng hindi ko maintindihan ang salita. Kunsabagay, hindi ko rin naman maintindihan ang sa mga alila ko.
Palagi na lamang akong kinukuha at hinaharot ng babaeng iyon! Bakit kaya nasa kwarto lang sya?
Hmm. Wala na akong pakialam sa kanya. Nagugutom ako.
*kkrcckkkrrc[tunog yan ng chichiryang binubuksan!]*
May pagkain sa hindi kalayuan! Agad akong tumalon mula sa hita ni Alila #7 at mabilis na umakyat. Pumasok ako sa kwarto ng aking pinakamamahal na alila. Si Alila#5
"Hoy bigyan mo ko nyan miyaw." Iniuntog ko ang ulo ko sa tuhod nya. Siya kasi ay nakaupo sa lapag at gumuguhit
"h3LL0 jh3uroomh11! qUstu0h moh bvu4?" Hinaplos nya ang ulo ko.

BINABASA MO ANG
Infinite, Uncovered!
FanfictionBuhay ba nila sa likod ng camera? Mga tunay nilang ugali? Home addresses? Nakailang girlfriends na sila? Mga away ng mga myembro? Saan sila pumupunta kapag may free time? Cellphone numbers? Anong tatak ng t-shirts at briefs-ooh, pretend like you did...