Revelation #6

1.6K 34 14
                                    

DONGWOO ♥

"MAMAMATAY TAYO!!!!"  Sigaw ni Sungjong. O.A!!

"Hindi pwede!! Hindi pa ako nanganganak!!" Sabat naman ni Sunggyu sa kanya.

"MAY KOTSE!!!!" Biglang turo ni Sungjong sa harap. "BABANGGA!!!"

"Sungjong kumalma ka! May stoplight o, kaya nakahinto yung mga kotse." Sabi ko sa kanya. Aishuuu. Para naman baliw 'tong batang 'to.

  

Papunta kami sa Yongin. Dahil wala naman si Manager, at ako ang may lisensya, ako ang nagdadrive. Kaso parang walang tiwala sa akin 'tong maknae namin. :(

Atsaka pano kaya kapag nasita kami ng pulis? Papakita ko lisensya ko tapos sasabihin ko na gaganap kasi kami sa isang theater play o sabihin ko nalang na bakla na ako?

Malay nyo fan pala si Manong Pulis ng Infinite! 

Dahil nakastop naman ang flow ng traffic, sinamantala ko na ang nalalabing oras para mai-angat ang bra ko na kanina pa nalalaglag. Nasa tyan ko na eh.

  

Dapat ba may tagahawak? Asan ba si Hoya? Dapat ata nilagyan ko ng palaman e. Pero mas feel ko ata kung hahawakan nalang ni Hoya. Hahaha!!

 Sya ang kapartner ko ngayong araw. Si Woohyun kay leader at Si L kay Sungyeol. Natalo si Sungjong sa jack en poy kanina kaya mag-isa syang gagala mamaya. Mukhang sineswerte ngayon si L sa jack en poy ah. Nalipat kay Sungjong yung pagkamalas nya sa bato bato pik. Hahaha KAWAWANG BATA.

"WOOHYUN!! Hoo! WOOHYUN!!" Sinilip ko sila sa rearview mirror. Nakita ko si Sunggyu na sinasapo ang malaking unan sa loob ng maternity dress na suot nya at naghahyperventilate. Bastos naman nito. ('_')

"Bakit yeobo!? Manganganak ka na!??" Pagsakay naman ni Woohyun. Nakasalamin siya at may mustache. Pang-goon ang outfit nya. ANG PANGET.

"Feel na feel nya~" Sabi ni Sungjong na inaayos ang curly nyang wig. Wiih. In denial 'to, ikaw nga yata yung sayang saya sa damit mo. Haha. Biro lang. Baka sapakin ako ng mga asawa mo! Masira pa yung beauty ko.

"Hey..Nag-go na." Sambit ni Hoya at pinatakbo ko na ang sasakyan namin.

Pagbaba namin sa Yongin, pinagtinginan kami agad. All eyes on us.. All eyes on us..

  

Hindi dahil idols kami, kundi dahil mukha kaming mga tanga. Haha.

Isang babaeng buntis at mukhang losyang (Gyu) ang nakakapit sa mukhang goon na mama (Woohyun). Isang babaeng maladyosa sa ganda, nakamini-skirt at fitted t-shirt with matching curly brown hair (ako yan :P) at ang boyfriend nyang mukhang hollywood star dahil sa leather jacket at shades (my Hoya)

Isang matangkad na babaeng nakaputing t-shirt na may maikling buhok. Nakabonnet sya at skinny jeans tapos nakarubber shoes (Sungyeol). Katabi nya ang isang babaeng may mahabang buhok at nakablack shirt naman. Naka-aviators ito at ang astig ng dating (L).

Infinite, Uncovered!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon