WOOHYUN ♥
Sa buhay ng isang idol maraming nangyayari. Gusto niyo bang isa-isahin ko pa? Haha wag na mamimigay nalang ako ng heart sa mga inspirit! Saluhin niyo ha, eto naaaa!
*throws hearts shamelessly* Buing buing~
"Woohyun tama na nga yang pag-kausap sa sarili mo." Sabi sakin ni Sunggyu. Hindi nakakasawa ang panliliit ng mata ni leader Gyu haha.
"Hindi ko kinakausap ang sarili ko, namimigay ako ng puso." Ngumiti ako. Ipagtanggol niyo ako, Inspirits!
"Nagbibigay ka ng puso sa mga taong nadadanan ng kotse?" Tanong nanaman niya sakin. Nginitian ko siya, yung ngiting pang fans lang at binatukan ako ni Tablo Hyung, naabot niya pa ako nun? May lahing lastik man to sigurado.
Aray naman T^T
"Hindi ka naman nakikita sa labas kaya itigil mo na yan, mas mabuti kung magpahinga ka nalang para handa ka sa gagawin nyo" Pagsesermon ni Tablo Hyung.
"Aray! Hindi niyo ba nakikitang isa ako injured patient? Dapat inaalagaan niyo ako imbis na sinasaktan." Itinuro ko sa kanila yung sugat ko at nag aegyo.
Nasa kotse kami ngayon at papunta sa Yeouido. Si Mithra Hyung ang nagdadrive at sa tabi niya si Tablo Hyung. Nagpunta silang dalawa sa bagong bahay namin kahapon kasi nabalitaan nila ang nangyari kahit nasa YG entertainment na sila. Yiie, mahal parin nila kami!
Tinulungan kami nila Tablo Hyung na maghanda sa maliit na surpresang gagawin namin para sa anak ng director. Magbibirthday pala yung anak! Dapat pala pumayag nalang ako sa suggestion ni Jongie na ako nalang ang ipadala, naabala ko pa sila haha.
"Sa susunod kasi na magluluto ko magfocus ka gaya ng ginagawa mo pagbumibirit ka hindi yung utak mo lumilipad lipad. Kailagan din bang bigyan kita ng lesson tungkol dyan?" Sabi naman ni Jin Mithra
"Okay na sakin yung *tooooot* Education" Pabiro kong sabi na hindi ko inaakalang papatulan ni Mithra Hyung.
"Magtanong ka na."
"Talagang pinatulan mo?" Sabat ni Tablo Hyung
"Hyung sali ako"- Sungyeol, na nakaupo sa likod ng Van.
Ganito kasi pwesto namin.. Ang magkakatabi ay ako, Sunggyu, Sungjong at L. Sa likod namin ay sila Hoya, Sungyeol at Dongwoo. Para kaming sardinas sa van, buti naka aircon kami. Dapat pala pinagdala nalang namin sila Hyung ng sarili nilang kotse tapos si Dongwoo nalang pinagdrive namin..
Kaso..Delikado iyon!!
"Hyung anong pakiramdam ng una mo?" Si Sungyeol ang unang tumira ng tanong. Akin dapat ang tanong na yan!
"Una? Masarap." Sagot nya at isang kagimbal-gimbal na ekspresyona ng ibinigay ni Sungjong. "Masarap naman lahat sa una. Ano ba hahaha. Masarap kumain ng unang pagkain na niluto para sa akin ng magulang ko"
"Hyung una nating natitikman ang luto ng magulang natin kapag sanggol palang tayo diba? naalala mo pa yon hanggang ngayon?" Tanong ni Sungjong, oo nga naman. Baby palang tayo pero naalala niya yung kanya? idooool!
"Oo naman! Extraordinary ako kaya alam kong masarap ang unang niluto ng nanay ko para sakin."

BINABASA MO ANG
Infinite, Uncovered!
FanfictionBuhay ba nila sa likod ng camera? Mga tunay nilang ugali? Home addresses? Nakailang girlfriends na sila? Mga away ng mga myembro? Saan sila pumupunta kapag may free time? Cellphone numbers? Anong tatak ng t-shirts at briefs-ooh, pretend like you did...