WOOHYUN ♥
Pinakurba ko ng paibaba ang maganda kong labi at pinaliit ng bahagya ang aking mga mata. Myungsoo-ya! (・へ・)
Maakit ka naman sa charm ko, nahihirapan na ako!
Isa naman akong mabuting tao. Bolmae nga raw ako. Pero... pero.. bakit hindi mo nalang ako kaawaan! Napakalupit mo.. Tuluyan na bang nagsara ang iyong puso? (at nagkulong lamang ng iisa sa loob?)
Wala ka talagang awa! Nangmumurder ka na nga ng puso ng inspirits tapos pati yung akin hindi mo papalampasin!?
Nabasa ko pang pinapasabog mo--natin--ang kanilang ANO! OBARYO! Wehh. Napapaisip tuloy ako. Tumutubo kaya yun?
"Oh. Jinjja?" Humalukipkip si Myungsoo at binigyan ako ng iritadong tingin "Hindi ba't ikaw ang pinakamagaling manglandi---"
"Fanservice nga kasi ang tawag dun!" Agad kong kontra.
"Pinakamagaling MANGLANDI." Inemphasize nya pa talaga. "Where I was? Ah. Ikaw ang pinakamagaling duon pero nandito ka sa pintuan ng kwarto ko---"
"Tapat ng doorway ng kwarto mo." Di naman ako nakadikit sa pinto! Hmp! Wala ka na ngang awa, lumalabo pa ata ang mata mo. MASAMA YAN! Huwag mo sabihing para sa iisang tao nalang rin ang paglinaw ng mata mo?
Pinandilatan nya ako while grinning. "--at nanghihingi ng tulong sa date."
"Ideya. Hindi tulong." Bulong ko.
"Ah! Hindi ba't ikaw ang pinakamaraming nakadate nuong bago pa tayo maging grupo?" Sinarhan nya ako ng pintuan. "Matapos ng lahat ng pang-i-snob mo sakin...... Matapos ng pagtapik mo sa balikat ko sabay sabing 'Matututo ka rin' nung nanghihingi ako ng kaunting tips!"
"Pero L.. Myungsoo.." Tinapat ko ang palad ko sa parte ng pinto kung saan tantya ko ay nakasandal si Myungsoo.
"Matapos mong ipagkait ang meron ka....kahit konting kagreasyhan lang para sa girlfriend ko!--"
Hinampas ko yung pinto "MALANDI KA NA AT HINDI MO NA KAILANGAN NG TULONG KO!"
"ARAY!" Binuksan nya ang pinto "BAKIT MO NAMAN HINAMPAS!"
Nag-v sign lang ako (dalawa pa!) at nginitian sya. "Tulungan mo nalang kasi ako"
"Shikkoro!" Sabi nya sabay iling. "Kaya na yan ng powers mo."
"Kasi naman eh!"
"Woohyun hyung HWAITING!"
Nagtongue-out sya atsaka ako tinalikuran. Tinulungan ko naman siya nun eh. Ginaya pa nya ang ginawa kong pag-cheer sa kanya nuon. Pero may naitulong naman talaga ako e! Sabi ko, isipin nyang si Sungjong o si Sungyeol ang yung babae.
Mali ba ako ng advice? (^▽^)"
Magtatanong nalang ako kay Key! Baka sakaling makatulong siya kahit papaano. Namimiss ko na rin sya. :( Sya yung unang nagtext sakin nung mabroadcast ang leave namin sa trabaho. Hay Key... Ikaw kaya ang magiging susi sa aking tagumpay?
Bumalik na ako sa kwarto ko at dumapa sa kama. Inabot ko ang cellphone kong bago at in-unlock iyon.
1 message recieved
Owooooo... Himala. May text... at isa lang sya.
SA 291 CONTACTS KONG BUHAY PA KAHIT NAGPALIT AKO NG CELLPHONE... Plus yung kay Patricia.

BINABASA MO ANG
Infinite, Uncovered!
FanfictionBuhay ba nila sa likod ng camera? Mga tunay nilang ugali? Home addresses? Nakailang girlfriends na sila? Mga away ng mga myembro? Saan sila pumupunta kapag may free time? Cellphone numbers? Anong tatak ng t-shirts at briefs-ooh, pretend like you did...