SUNGYEOL ♥
"MANAHIMIK KAYO!" Mariin na sigaw ni Lee Jung Yeop. Agad naman nitong napatahimik ang kaguluhan dito sa bahay niya. "TINGIN NYO BA MAGKAKAINTINDIHAN TAYO KUNG SABAY-SABAY KAYONG NAGSASALITA?!"
"Kung nasa matinong pag-iisip kasi yung isa dyan, makikinig sya at iintindi." Galit na sabi ni Myungsoo. I swear I saw him look at me.
Ipinasya ko nalang na tumahimik. Alam kong mas magmumukha lang akong guilty pero ayoko ng gulo. Ayokong makaaway lalung-lalo na ang bestfriend ko ng higit pa ng apat na taon. Hindi naman dapat malamatan ang kahit anong relasyon dahil lang sasabayan mo ang galit ng isa.
"Kumalma ka nga Myungsoo." Mahinahong sabi ng CEO habang hinihilot ang sentido nya. Tinignan ni Sungjong si Myungsoo ng may pag-aalala. Silang tatlo ni Dongwoo ang magkakatabi sa isang sofa habang kaming apat nila Sunggyu ang sa kabila. Katabi ko si Woohyun sa kanan ko na kanina pa halatang gustong maiyak.
"Pwede ba—yung mahinahon— sabihin nyo ang lahat ng nalalaman nyo regarding this issue." He eyed us like he has a plan to torture us. May galit na rin sya sa amin. "Ikaw muna, Woohyun."
Alangang tumingin sakin si Woohyun saka yumuko. "Uhh... Basta noong araw na naglalakad-lakad ako, may naramdaman akong parang may nagmamatyag sakin.."
"Nakita mo ba kung anong itsura nya?"
"Oo, nasulyapan ko sya minsan nung lumabas kami ni M.A...." Tumawa si Myungsoo sa sinabi ni Woohyun pero walang bakas ng kasiyahan dito. Si Woohyun naman, hindi mapalagay. Gusto ko syang tapikin sa likod o yakapin manlang.
"Nakita mo? Idescribe mo!" Atat na sabi ng visual namin.
Alangan muling tumingin sakin si Woohyun. Malinaw sa mga mata nyang humihingi sya ng tawad. "Maikli ang buhok nya.. May katangkaran..Mukhang mahilig syang kumuha ng litrato dahil may camera syang hawak nun."
"Ako rin, minsan napapansin kong may babaeng sumusunod-sunod sakin. Ganuon rin ang itsura nya. Madalas ay nakashades sya o nakahospital mask." Matamlay na sabi ni Sungjong. Siguro mahirap magsabi ng katotohanan. Lalo na kung alam mong ikakapahamak ito ng iba.
"Ikaw Dongwoo? May masasabi ka ba?" Hindi nagbabago ang tono ng CEO namin. Seryosong-seryoso sya ngayon.
"Nung araw na hinatid ko si Jinwoo sa ospital, may kumausap saking babae. Maikli ang buhok nya at matangkad nga.. She asked me several questions." Pasulyap-sulyap sa akin si Dongwoo habang sinasabi nya ang mga yon. "Sa pagkakatanda ko, hawak nya ang cellphone nya nun."

BINABASA MO ANG
Infinite, Uncovered!
FanfictionBuhay ba nila sa likod ng camera? Mga tunay nilang ugali? Home addresses? Nakailang girlfriends na sila? Mga away ng mga myembro? Saan sila pumupunta kapag may free time? Cellphone numbers? Anong tatak ng t-shirts at briefs-ooh, pretend like you did...