SUNGGYU ♥
"Eottokhae? Wala pang one week ang bakasyon natin meron na agaaad? Aish." Halos sabunutan na ni Sungjong yung sarili niya habang naglalakad. Nahihilo na ako sa kanya (-_-)
"Ano ka ba Jongie. Ibig sabihin lang nyan mahal na mahal nila tayo kaya ayaw nilang umalis tayo." Pilit ang ngiti sa mukha ni Woohyun. Mahal nila tayo pero ganito ginagawa nila? Sa tingin ba nila natutuwa kami sa kanila kung ganito ang ginagawa nilang mga fans?
Tska isa pa tong si Woohyun, masayang hindi Masaya. Alam niyo yun? Nasugatan niya pa yung sarili niya kanina nung magluluto dapat siya ng tanghalian, baka mabawasan ang pagfafanservice nya nan. Si L naman at si Sungyeol ngumingiti mag-isa, may imaginary friends ba yung dalawang yun? Napaka weird nila. Parang yung pulis lang na nakapagpapa-anak….
Wala dapat maka-alam ng nangyari doon! Kahit sila Manager pa!
“Nasaan na si Hoya?” Tinignan ko si Dongwoo na nanahimik, sasabihin ko na kasi sa kanila kung ano yung sinabi ni CEO Hyung
“Nasa kwarto niya.” Malumanay na sagot niya. Ako nalang ba talaga ang matino na natira?
“Tulog parin si Hyung?” Tanong ni Sungjong na may pagtataka. Ako din nagtataka, wala namang sakit si Hoya kahapon at nakasama pa sa pagdidisguise pero hanggang ngayon tulog parin siya. Baka napuyat? Ano bang ginawa nila ni Dongwoo at napagod ang dance machine ng Infinite?
“L! Akin na kasi, kahapon ka pa nakikitext! “ Sumisigaw na naman si Sungyeol na parang nagawan ng laruan. Ano nanaman ba ginagawa nila?
“Saglit na lang Yeol..” Hawak parin ni Myungsoo yung cellphone niya. Kanina naghahabulan sila tungkol sa cellphone. Ngayon nag-aagawan parin sila ng cellphone
“Akin naaaaa!” Hindi nagtagal ay nag wrestling na yung dalawa, kung hindi mo sila kilala, aakalain mong nag-aaway na ang dalawa. Idol ba ni Myungsoo at Sungyeol sila Dubu at Nurungie na na papunta sa Vet dahil sa harutan na nauwi sa away? Hm.. namimis ko na yung mga tuta
*craaaash*
“Hyung Sinira niyo yung lamesa.” Lumapit si Sungjong sa kanila at tinignan yung lamesang binalian ng paa ng dalawa, pati yung salamin sa taas nito nabasag. Wala namang nasugatan sa kanila
“Si L yan.” –SungYeol
“Ikaw kaya ang nakasira.” –Myungsoo
“Sino ba talaga sa inyo?” Tanong ni Woohyun
“SI SUNGYEOL YUN!” Sigaw ni Myungsoo sabay tayo. Tinuro ni si Sungyeol habang nakasimangot
“HINDI KAYA! IKAW!” Sigaw din ni Sungyeol sa kanya na may kasama pagturo. Hinablot niya sa kamay ni Myungsoo ang cellphone niya at nagbigayan sila ng masamang tingin. Hay ang mga bata talaga
Cue ko na ba? Sige
“Yah. yah YAH! Kayong dalawa tama na nga yan, magbati na kayo! Dongwoo gisingin mo na si Hoya. Magmemeeting tayo. Sungjong tulugan mo silang linisin yang lamesa, Woohyun umupo ka na ng maayos at wag mo tanggalin ang band aid ng sugat mo!” Utos ko. Hindi ko talaga Gawain yung pag sigaw kasi mali iyon pero ngayong iba na. May kailangan pa kaming pag-usapan, nakasalalay dito ang inaasam-asam na bakasyon naming pito
BINABASA MO ANG
Infinite, Uncovered!
FanfictionBuhay ba nila sa likod ng camera? Mga tunay nilang ugali? Home addresses? Nakailang girlfriends na sila? Mga away ng mga myembro? Saan sila pumupunta kapag may free time? Cellphone numbers? Anong tatak ng t-shirts at briefs-ooh, pretend like you did...
