Revelation #18

946 22 8
                                        

HOYA ♥

Ilang araw ko na ba siyang tinatago? Uhh.. Four? Nahihirapan na ako a! Eh kung sabihin ko nalang kaya sa kanila na may alien dito sa bahay?..

...Na siyang umuubos ng stock namin ng ramyeon, pork at kimchi...

..At pinagtitripan ang alaga ni Sungyeol na masigla na ulit..

Nga pala. Kinwento samin ni Yeol yung dahilan tapos ewan ko ba, naawa ako sa kanya bigla. Ang alam niya pala talaga, next week pa raw aalis. Tapos pinaalam lang nung kaibigan nung babae (na sya namang kalaguyo ni Myungsoo) na kinabukasan ng araw na nagdedate sila Myung ay ang flight nung Haneul. Tapos minove na naman, kaya nung gabi, ayun, buwis buhay si Sungyeol.

Alam kong masakit yun, kasi habang papalapit ng papalapit yung taning ng isang bagay, mas lalo kang nasasaktan. Mas lalo kang mapapaisip ng mga dapat mong gawin.

Pano pa kaya kung biglaan nalang at walang pasabi. Basta-basta nalang aalis.

"AAAAAAAAARRRRGHHHH....." Ginulo ko ang buhok ko. Naisip ko na naman yung tungkol sa pag-alis nya. Nakakainis!

  

"Problema mo!" Dinabog ni Lala ang color pencil na pinang-dodrawing nya. Nasa lapag sya at gumagawa ng 'artwork' daw. Asus. 

  

"Wala!"

"Eh bakit parang kanina ka pa naiinis dyan!"

"Basta!" 

"Ewan ko sayo!"

"Gawin mo na nga lang yan!"

She rolled her eyes. Isang signal na sumuko na sya. Mabuti naman dahil mahirap sumigaw ng pabulong. Ganun lang naman kami magsigawan. Tahimik kasi dapat, bawal kami mabisto e. Nakakastress nga ng voice box. 

AISH. Ang voice box ko!

"Knock knock!" Napatingin kami pareho sa pintuan ko. "Dongwoo dinosaur!"

Dali-daling tinungo ko ang pinto habang si Lala, naghahanap ng mapagtataguan. Nagdeal kasi kami na bawal superpowers dito sa bahay. Gaya nga ng sabi ko, madaling kausap ang mga aliens. Pero 'wag na 'wag mo silang gagalitin!

"Hi Dongwoo." Sabi ko pagkabukas ng pinto.

"Itatanong ko lang kung anong flavor ng noodles ipapaluto mo.." Nakangiti nyang sabi. "Oh, bakit parang hinahabol mo hininga mo?"

"H-ha?" Napansin kong medyo hinihingal nga ako. Patay.

"Sa banyo ginagawa yan, Hoya. HAHAHAHAHAH!!"

"MWO?!" Tinulak-tulak ko sya "Seafood noodles gusto ko magluto nalang kayo dun!"

Infinite, Uncovered!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon