Revelation #27

683 15 7
                                    

MYUNGSOO ♥

"H'wag mo 'kong hahawakan." Pag babanta ko sa kanya. Ngunit parang wala paring epekto ang mga sinasabi ko.

Masakit. Hindi sobrang sakit pero may sensation sa balat ko na hindi ko gusto. Parang may tumutusok na karayom sa loob lalo na sa tuwing may bagay na dumadampi sakin. Kahit hangin ayaw ko na! Heto na naman siya at pipindotin ang braso ko

"HUWAG NGA SABI, Dadalin na kita sa jurasic park!" Napahiyaw ako sa hapdi.

"OH-HOHO-AHA-HA" Biglang tumawa si Dongwoo sabay eskapwera. Palibhasa kasi hindi siya na sunburn. Yah~ Nasusunburn ba ang mga mga dino?

*Imagines*

 

Meh. Panget.

"Waaah uwaaaaah! Where is it??" Biglang nagheadbang sa harap ko si Sungjong. Nilubog iya yung ulo niya sa tubig dagat sa panlimang pagkakataon. Para sa mga may bias sa maknae namin: Hapit na sa katawan niya ang kanyang t-shirt. Nawawala nga pala yung bracelet? Rosary ata?

Ewan, basta yun yung nakalagay sa bandang wrist niya.. Kulay rainbow ata yun. Parang itong langit .*Click*. Ipapakita ko to kay Minchan! Gusto niya rin kasing sumama samin kaso hindi pwede.

"Nagugutom na ako" Hinimas ni Sunyeol ang tiyan niya na parang may laman itong sanggol. Fetus na labingdalawang buwan na sa kanyang tiyan. Sinong ama? Walang iba kung hindi ako. Sino pa bang ibang kandidato? へ( ̄ω ̄)┌

"Manghuli ka ng isda." Ngumuso si leader Gyu sa kawalan

"Saan?" Sinundan ni Yeol ang nguso ni Sunggyu.

"YUNG BRACELET KOOO!" Sigaw ni Sungjong na-kakaahon lang sa dagat. Wala pang sampong segundo ay sumisid ulit siya sa ilalim ng dagat

"Sa LANGIT!! Aish, Dyan sa dagat oh, ang rami-rami." Pina-ikot ni Sunggyu ang mata niya. 360 degrees at ipinakita ang pure white side ng kanyang mata.

"Kung pwede nga lang sa langit, haaay, miss ko na siya." Tumanaw din sa kawalan si Sungyeol at bumugtong hininga ng sobrang lalim.

"Parang nakita ko siya nung isang araw." Pabulong na sabi ko. Hindi ko sigurado kung siya talaga yun o namamalik mata lang ako. Bakit ko nga ba sinasabi sa kanya? Mas sigurado naman akong kabisado niya yung schedule nun.

"Namamalik mata ka lang, I know her schedule like the back of my hand." Maalam na sabi ni Sungyeol.

"English much?" Sabi ni Dongwoo

"Ne. Much much. Gusto ko na siyang makita." Patuloy ang pagtanaw niya sa kawalan na tila may nakikita siya mukha sa langit. Bigla siyang ngumiti at itinaas ang kanang kamay na parang may-inaabot na kung ano sa hangin.

"Dama kita." Hoya in sullen mood ON. Ikinatutuwa kong sabihin na nabawan na ang pag-kausap ni Howon sa sarili niya, Nadissolve na ang kanyang imaginary friend!

Infinite, Uncovered!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon