MYUNGSOO ♥
"L, 5 minutes nalang screen on na." Pag-inform sakin ng isang staff na nakasalubong ko. Sinabi ko sa kanya na magreready na ako at yumukod bilang paggalang. Hinanap ng mata ko sila Haneul pero hindi ko na sila makita.
Napabugtong hininga ako. Totoo kaya yung sinabi niya? Kung kaninang umaga pa nangyari yun, malaki nga talaga ang posibilidad na kinuha si Minchan. Still, kaya naman niya ang sarili niya. Siya pa nga yung nagligtas sakin dati sa sasaeng fans.
"L, aayusin na naming make up mo." Ni-retouch ng make-up artist ang mukha ko.
I fiddled with my phone. Hindi ako mapakali, tatawagan ko nalang si Minchan
'The number you have dialed is either unattended or out of coverage area please try your call later.'
"2 minutes!"
Nakapwesto na yung host at naka-set na lahat ng gamit para sa interview ko. Pati yung ingay ng mga audience na naimbintahan para ditto ay naririnig ko na rin. Hah I guess, i'll have to ditch this one.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagtungo sa backdoor. Kahit na narinig ko na nagsalita ang stage director sa galit na tono at tinatanong kung saan ako papunta ay hindi ako huminto. Lumabas ako ng pinto at mabilis na tinawagan ang matalik na kaibigan ni Minchan
"Haneul? Nasaan ka na?"
(20 steps to right kung saan ka natakatayo..) Tumingin ako sa kanan at nakita ko ang isang pamilyar na silhouette na nakatayo sa tabi ng isang sasakyan.
Tinapos ko ang tawag at naglakad papunta sa kanila. I gave a slight nod at Haneul and she did the same. Pinasakay niya ako sa van at napatikhim ako nang makita ko na nakaupo si Sungyeol at Sungjong sa loob.
Hindi na ako makakaback-out.
Sinenyasan ako ni Sungjong na sa kanya nalang tumabi. Si Haneul ay sumakay sa driver's seat sa tabi ni Sungyeol. Bahagya kong tinitigan ang babaeng may maikling buhok, kaya ba talaga niyang gawin to sa grupo namin?
Pano nalang kaya kung set-up to? Kung ngayon ay kasabwat na niya si Sungyeol?
Pero kaya nga ba ni Haneul na gamitin ang pangalan ng kaibgan niya para lang pabagsakin kami? Aniyo, Nakita ko na silang magkasama ng maraming beses.. hindi magagawang umacting ni Haneul sa ganitong bagay, lalo na at balisa ang itsura niya...
Tch, Kinokontradict ko na sarili ko.
Katahimikan ang namagitan saming lahat hanggang sa tumunog ang cellphone ni Haneul. Ni Loud speaker niya ito para marinig naming lahat.
(********* forest dun sa oooo Street., syudad ng ****** Kailangan namin yung saktong amount ng pera, walang labis walang kulang at...)
BINABASA MO ANG
Infinite, Uncovered!
FanfictionBuhay ba nila sa likod ng camera? Mga tunay nilang ugali? Home addresses? Nakailang girlfriends na sila? Mga away ng mga myembro? Saan sila pumupunta kapag may free time? Cellphone numbers? Anong tatak ng t-shirts at briefs-ooh, pretend like you did...