SUNGYEOL ♥
Hindi ako kumportable ngayon. Parang napakakakaiba naman na ihahatid ako ni Grandpa Gyu sa simbahan nung malaman nyang magsisimba ako. Kakaiba rin ang trato niya sakin. Yung mga tingin nya nga, parang gustong lamunin yung lahat ng laman ng isip ko.
Nabalitaan ko mula sa CEO namin na hindi na maganda ang lagay ng Infinite. Kaya eto, ipinagpasya kong magsimba kada linggo. Eto yung magagawa ko e. Saka... Saka para na rin samin ni Haneul.
Sabi nga nya sakin, God is Good.
Kapag hindi mo na alam yung gagawin mo, He will always give you the right answer.
Napangiti ako sa mga naalala ko. Yan yung mga sinasabi nya sakin. Ayos rin.
"Sungyeol, ito na yung simbahan diba?" Tanong sakin ni Grandpa Gyu. "Susunduin din kita."
"Kahit wag na. Kaya ko namang umuwi mag-isa." Nginitian ko sya bago pumasok sa simbahan. Hindi naman na sya sumagot. Mabuti, kasi mahuhuli na ako para sa misa!
Gusto kong isuggest 'to sa mga myembro namin dahil nakakagaan talaga sya ng loob. Nakakawala ng pangamba. Pero siguro ako lang may kailangan nito. Malinaw na kasi sa kanila e. Sakin hindi pa.
Nagtapat sakin si Jungyeop hyung na may kakilala akong pinagdududahan ng mga miyembro ng Infinite. Kilala ko naman yung tinutukoy nila e. Hindi ko alam kung anong problema, pero hindi ko tanggap. Ano bang prueba nila?
Malaki rin ang posibilidad na pati ako, madamay. Masisi. Mapagbibintangan. Okay lang sana kung ako lang, pero kung kasama si Haneul? Wag naman.
Umupo ako sa gitnang upuan ng simbahan. Maya-maya ay magsisimula na ang misa pero kakaunti palang ang tao, sobra. Hindi naman na siguro ako maghihintay ng matagal. Bahala na.
"Haneul! Dito tayo para mas malapit." Agad akong napatingin sa isang lalaki sa likod ko. Bigla akong kinabahan.
Tinanaw ko kung sino yung tinutukoy nya.
Hindi ko alam kung positibo o negatibo. Hindi si Haneul ko ang tinutukoy nya. Ibang babae. Part of me says na sana si Haneul Dong nalang ang tinawag nya. Pero hindi ko nanaising sa ganung sitwasyon ko sya makikita.
"Akala ko ikaw yung tinatawag nya." Mas lalo akong kinabahan dahil sa narinig kong boses sa gilid ko. Ang boses ni Minchan. Agad akong tumingin sa kanila at sila rin sa akin.
BINABASA MO ANG
Infinite, Uncovered!
Hayran KurguBuhay ba nila sa likod ng camera? Mga tunay nilang ugali? Home addresses? Nakailang girlfriends na sila? Mga away ng mga myembro? Saan sila pumupunta kapag may free time? Cellphone numbers? Anong tatak ng t-shirts at briefs-ooh, pretend like you did...