Chapter 1

1.6K 38 0
                                    

Karen's POV

Palabas ako ng main gate ng Southmoor nang may huminto na sport car sa tapat ko. "Huy Karen, sabay kana?" Si Jared.

"May bayad ba?" Yumuko ako para makita ng buo yung mukha niya. Ang gwapo shet.

"Pwedeng wala pero tumatanggap din ako ng donation." Ngumiti siya ng nakakaloko sabay hagod sa baba niya. Feeling may balbas.

Bubuksan ko na sana ang pinto sa back seat nang magwala si Jared. "Hep! Dito kana sa front passenger seat, ang gwapo ko masyado para maging driver mo." Tss, he didn't change at all. Mahangin pa rin siya.

"Whatever Jared Sy, where's Mikko?" Hinarurot niya agad ang sasakyan pagsuot ko ng seat belt. Libangan ba talaga ng Empires patayin ako tuwing sasakay ako sa kotse nila?

"Nasa MS building, pinaguusapan nila ni CEO Min yung tungkol sa paglipat namin ng dorm bago kami mag debut."

Natigilan ako sa sinabi niya. "Dorm?"

He nodded.

"Hindi pa ba sinabi sa 'yo ni Mikko?" He asked habang naka-focus pa rin sa steering wheel.

Umiling ako. "Hindi pa." 'Yun ata yung balak niyang sabihin sa 'kin yesterday, hindi lang ako nakinig because masyado akong busy sa baby thesis ko habang kausap niya ako. Bad Karen. Bad girlfriend.

"Saan dorm? Malayo ba dito?"

"Tanungin mo si Mikko kapag nagkita kayo. Kasama kita ngayon at wala ako sa meeting so paano ko malalaman?" Did he just laugh at me?

"Bastard." I mumbled.

Pinitik niya ang noo ko. "Narinig ko 'yun." Argh Jared!

***

"Tss, you're not listening to me." Kausap ko si Mikko sa skype at naasar siya nang malaman niyang wala akong naintindihan sa kinikwento niya kahapon.

"Sorry, kwento mo nalang ulit kasi." Hindi ko alam kung bakit magka-skype kami ngayon kahit nasa sala lang naman siya at nasa kwarto ako. Sinabihan din kasi siya ni daddy na wag pupunta sa kwarto ko lalo na kapag kaming dalawa lang. Ang weird talaga namin lately.

Bumalik na sa France sila mommy at daddy last month kaya feel at home na naman si Mikko dito. Siya rin minsan ang bumibili ng mga stocks sa ref para daw hindi siya magutom kapag nandito siya sa bahay. Ang adik talaga.

Nakatitig lang sa akin si Mikko sa screen habang kumukuha ako ng damit sa closet. "Are you really going to change in front of me? I'm a man and we're the only two in this house. Don't tempt me so much Karen."

O____O

"Hell no Mikko Tan!" Ano bang nasa isip ng lalaking 'to? Mas lalo yata siya naging pervert!

Binaba ko ang monitor at nagpalit ng damit. Hmp, hindi pa niya pwede makita ang hindi pa dapat makita.

Tinaas ko ulit ang monitor pagkatapos ko mag bihis at nag-wave sa kanya. "Ayan na, okay na?"
Nag-thumbs up lang siya at sumandal sa couch.

"So, i-kwento mo na sa 'kin yung tungkol dun sa dorm niyo." Inayos ko yung laptop sa bed ko.

"I already told you about it."

Nag-pout ako, e hindi ko nga narinig e. Aish! Bahala siya I am going to ask Kurt nalang. Tss, hindi rin pala pwede. Galit din sa 'kin ang mokong. Until now, ako pa rin ang sinisisi niya kung bakit nag-away ang dalawa.

"Bye!" In-off ko ang laptop at binalik sa study desk. Ayaw niya sabihin? Fine. Si Jerome nalang ang tatanungin ko.

***

I'm Dating an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon