Chapter 33

879 19 4
                                    

#HappySuhoDay 💕

Karen's POV

"Si Karen ba 'yun? Jerome's girlfriend?"

"Siya nga!"

I chose to ignore people around me habang naglalakad ako sa labas ng theatre, wala sa sarili. Aware ako sa pinipicturan nila ako gamit ang mga phones nila pero wala akong pake as long na walang gumugulo sa akin.

Hindi pa rin ma-absorb ng utak ko na nag-propose na sa akin si Jerome and my answer is no. Kahit ako, hindi ako makapaniwala sa sinagot ko at sa nilalaman ng puso ko. Kulang nalang sigawan ako ng tanga para ma-realize ko na ang tanga-tanga ko talaga.

When I heard kay Mikko na Jerome is planning a proposal for me, nag-sink in sa akin ang lahat. Inisip kong mabuti kung mahal ko nga talaga siya at yes ang isasagot ko sa kanya once na magpropose siya pero hindi. All this time, si Mikko pa rin pala ang mahal ko, siya lang ang lalaking gusto kong pakasalan at makasama till the end.

Ano bang meron sa Mikko na yan at mahal na mahal ko siya? I chose him over a perfect man like Jerome. I chose a chaotic relationship over a fairy-tale like relationship. What's good about that? But to be honest, sa tingin ko tama talaga yung ginawa ko. Ayokong buong buhay maramdaman ni Jerome na kahati niya si Mikko sa pagmamahal ko. He doesn't deserve it. He's beyond perfect for me.

2 years kaming nagsama ni Jerome at sa 2 years na 'yun, pinaramdam niya sa akin lahat ng pagmamahal na kaya niyang ibigay. Pinatuyan niya talaga na hindi ako magsisisi na binigyan ko siya ng chance. Alam kong mahal na mahal niya ako and too bad, I was still blinded by Mikko's extraordinary love.

My relationship with Mikko was like a roller coaster. Minsan sweet siya, madalas hindi. Hindi siya yung typical boyfriend na bubuhatin ang bag mo for you. He's not like that. Tuwing magsasalita siya, masasaktan ka or kikiligin ka. It's either of the two lang. But I loved him for who he is. Ramdam kong sincere siya kahit hindi siya marunong mag-express ng feelings towards someone. He will just show it kapag may pagkakataon siya at once na pinakita niya 'yun, siguradong isa 'yun sa magiging best moment of your life na kailangan mong i-cherish sa memory mo. Hindi mo alam kung kailan ulit mangyayari 'yun.

***

It's been 1 week since Jerome proposed to me. No calls nor text, anong ineexpect ko? Na tumawag siya sa akin after I broke his heart? Well, I want to know kung ayos lang ba siya pero sa ngayon, I shouldn't do that. At least not today.

I left my condo for awhile. Masyado kaming maraming memories ni Jerome sa place na 'yun and everytime na pipikit ako, naaalala ko lang siya and it's not helping me at all.

"Mikmik!" Oh my gosh, I miss him so freaking much! Ang baby ko.

"Arf!"

Binuhat ko siya at nilagay sa lap habang nakaupo ako sa sofa. Medyo bumigat siya but it's a good sign.

"Welcome back apo." Si Lola Glen! Lumapit siya sa akin at bineso ako. Siya ang nag alaga kay Mikmik dito habang wala ako kaya I am very thankful. Hindi niya talaga pinabayaan si Mikmik.

"Lola, kamusta po kayo? Bakit hindi niyo naman ako dinadalaw sa condo?" I pouted my lips.

"Errr, matanda na ako. Hirap na ako bumyahe at layo pa ng condo mo dito." She's right. 1 and a half hour din kasi ang byahe papunta dun.

"Nagluto po ba kayo ng sinigang? Na-miss ko po 'yun e." She nodded. "Of course, tara let's eat. Alam kong na-miss mo luto ng lola mo."

Inikot ko ang paningin ko sa paligid habang sinusundan si lola papunta sa kitchen. Nothing has changed. Kung teritoryo ni Jerome ang condo ko, ito naman ang teritoryo ni Mikko.

I'm Dating an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon