Chapter 17 (Soulmate)

908 25 2
                                    

How can I be reasonable? To me our love was everything and you were my whole life. It is not very pleasant to realize that to you it was only an episode. - W. Somerset Maugham, The Painted Veil

Karen's POV

"Choco bubble tea for 2 please." I said at the counter. Ito na ang naging bonding time namin simula nung maging kami. Ang bubble tea shop na ito ay naging saksi na ng mahaba naming relasyon. Minsan nga binibiro kami ng mga employee na baka dito na rin siya mag propose sa 'kin. But for me, it doesn't matter kung saan place. Anywhere is fine basta siya ang groom ko.

"Thank you." Inabot ko yung bayad at nagtungo na sa favorite place namin sa shop. Ang table near the window kung saan makikita namin ang lahat ng sasakyang dumadaan.

"Here you go." Inayos niya yung upuan para sa akin. Ang gentleman talaga ng boyfriend ko.

"Thanks, Jerome." Bumalik siya sa pwesto niya then he gave me a blinding smile. Ugh, naiinlove ako lalo sa eyesmile ng lalaking 'to.

Nakapalumbaba ako habang nakakatitig sa kanya. Ang gwapo pa kaya ang dami kong kaagaw dito e.

2 year na pala ang nakalipas simula nung maging kami. At 4 years simula nung mag break kami ni Mikko. Ang tagal na pala. Time healed everything at siguro hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakamove on kung wala si Jerome sa tabi ko.

Mikko was right. Hindi talaga kami ang para sa isa't isa.

I met the right person at the wrong time.

Simula noon, hindi na ulit kami nagkita ni Mikko o kahit nagkasalubong man lang. Alam kong imposible dahil magkagrupo sila ni Jerome pero ginawa talaga ni Jerome ang lahat para makalimutan ko si Mikko. Mas mabuti na rin 'yun dahil sa tuwing nakikita ko siya sa t.v man or magazines, naaalala ko lang kung paano niya ako iniwan at tinanggi na girlfriend niya nung araw na 'yun.

Oh about that...

Totoong nagbago ang buhay ko dahil sa ginawang paghalik ni Jerome sa 'kin sa harap ng maraming tao. Hindi na ako makalabas ng bahay na walang mask at cap dahil nagkalat ang scandal news sa paligid. Tss, it irks me every time they follow us around na hanggang ngayon ginagawa pa rin nila. Swerte na nga lang namin ngayong araw dahil nakapagdate kami ng walang disguise.

"Kamusta ang study? Nahihirapan ka pa rin ba sa P.E class mo?"

P.E class is my worst enemy. Simula high-school hanggang ngayong 4th year college na ako hindi pa rin kami magkasundo! Sayang ang 1 year, graduate na sana ako ngayon kung hindi lang ako nag-transfer sa bagong university, what a waste of time. "As usual, I failed it again for about 2 times now." Paano ba naman kasi, ang hirap ng sistema sa Newvani University hindi katulad ng sa Southmoor na kayang kaya ng utak ko ang standards. Kung hindi ko nga lang kinakailangan na lumipat ng university---darn it! Bakit ba kasi hindi nalang yung ex ko yung lumipat ng university? Ako pa tuloy ang kailangan mag-adjust, tss.

"Fail it again for the 3rd time and you will not see me again." Aba, si BF!

"No! Hindi ko kaya." I made a frown face.

"Study hard then." Ginulo niya ang buhok ko. Alam kong gagawin niya talaga kung ano yung sinabi niya kaya magaaral na ako sa P.E simula ngayon. Hindi ko kayang malayo sa kanya kahit ilang araw lang yan.

"Okay po, Dr. Jerome Mercado." Nag-crossarms ako. Yes, napagsasabay niya ang pagiging idol at ang pagiging medical student at the same time that's why I'm very very proud of him.

3 years nalang gagraduate na siya. I can't believe I'm having a husband na doctor na idol pa in the future. He is also very hard working and the word "perfect" is not enough to describe him. He deserves everything in this world. I want to give him everything... everything just for him.

"It feels weird whenever you call me by my full name."

"Ano bang gusto mong itawag ko sa 'yo?" I asked.

"Boyfriend. Ang sarap lang kasi pakinggan." He smirks.

Really? -___-

"We're already adults, hindi na tayo teenager." I chuckled. Sumimangot naman siya sabay sipped sa bubble tea niya.

"Being in love is only for teens? Hindi ko alam yun ah."

"No! What I meant is those endearments. So childish." Depensa ko.

Napaisip siya. "Why?"

"What was his endearment for you?"

"He used to call me Ugly." Kumunot ang noo niya. "What? Pumapayag ka tawagin kang ugly?" I nodded. Bata pa kami that time and I was so obsessed with him back then, kaya dedma ako kung anong gusto niyang itawag sa 'kin.

"You don't deserve to be called like that. You are beautiful inside and out." Aw, gusto ko siyang i-kiss dahil pinakilig na naman niya ako pero not in public Karen, control your hormones.

***

"Ugh, Jerico! Can you stop bothering me?" Bakit ba kasi ako iniwan ni Jared sa sala nila kasama 'tong pinsan niya na ubod ng kulit!

"Bahay namin 'to, Karen, at pwesto ko yang inuupuan mo. Alis." My God, hindi ba 'to tinuruan ni Jared ng good manners? He's just 12 years old but look how he treats me. At the fact na may kambal siya na kabaliktaran niya na ubod ng bait pero si Jerico ang biniyayaan ni God at ang gifted sa dalawa? Hindi ko maintindihan! Gifted my ass, Jerico is Jerico with 250% IQ level.

"Bilang bisita, I shouldn't be treated like this!---Ahhh!---you rascal!" Hinila niya yung malaking pillow sa likod ko dahilan kaya nahulog ako sa sofa. Ugh! Maaga ako magkaka-wrinkles dito! Paano siya natitiis ni Jared? Sabagay, ganyan din si Jared before but nicer!

"I told you, it's my territory." He did a 'belat' and ran through the kitchen.

Dumating naman yung kambal niya na si Jestoni at umupo sa tabi ko. "Sorry po, Ate Karen, pagpasensyahan niyo na po si Jerico." I patted his head. Buti pa 'tong kambal niya ang bait sa 'kin.

A few annoying minutes later, dumating na rin si Jared sa wakas bago pa kumulo ng tuluyan ang dugo ko kay Jerico. Dala niya yung hinihingi ko na derp pics ni Jerome para sa surprise ko on his birthday.

"Ang dami niyan ha. Ano ba balak mong gawin diyan?"

"Secret. By the way, thanks sa effort ha. Kahit busy ka sa pag compose ng new song ng Empires nagawa mo pa rin yung request ko. Thank you, Jared. " I said and gave him a smile. Hindi rin biro humanap ng derp pics ni Jerome. Palagi kasing seryoso kaya tsempuhan lang makakuha ng derp pics niya na hindi na nga yata meme dahil ang gwapo pa rin.

"No prob, basta ikaw. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka." Matagal tagal na rin kasi kaming hindi naguusap. Isa pa, pinagbabawalan din ako ni Jerome bumisita sa MS Building. Para daw iwas issue, iwas sa press at iwas ex.

***

"Mukhang busy ang future doctor ko ah." Niyakap ko mula sa likod si Jerome habang busy siyang nagbabasa ng libro sa balcony.

Titignan ko pa lang yung 3 inch thick na librong 'yun na binabasa niya for about 2 days now, sumasakit na utak ko. I'm glad, hindi ako pinilit nila mommy sa course na hindi ko gusto. Ayos na ako sa pinasok kong course which is early childhood education. I really love teaching kids. Well, except to those kids like Jerico. That kid is giving me a nightmare.

"I might be busy but I can give all my time to you." I kissed him on the cheek habang nakaback hug pa rin ako sa kanya. "Binigay mo na lahat sa 'kin. Magtira ka naman for yourself."

He took a deep sigh. "As I promise before, gagawin ko lahat para maging perfect ang relationship natin. Lahat sinakripisyo ko para maging akin ka. Ngayong tayo na, hindi ako magsasawang ligawan ka. I will show you na hindi ka magsisising binigyan mo ako ng chance."

I got teary eyed. Ngayon nalang ulit ako umiyak at tears of joy pa. "I love you so much."

Humarap siya sa 'kin at pinunasan ang luha ko. "I love you too. No-I love you more than you love me."

I'm Dating an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon