Karen's POV
I just finished my last class and Jerome doesn't have enough time to pick me up kaya uuwi akong mag-isa ngayon. Si Hani, as usual, always busy. Mas lalo pa nga siya naging busy dahil natanggap siya na pastry chef sa isang hotel. Grabe, I'm so happy for her. Matutupad niya na rin yung pangarap niyang buhay para sa sarili niya and para sa mom niya.
Nandito na ako sa tapat ng unit ko at i-eenter ko nalang ang pass code. Pagkapasok ko sa loob, hinubad ko ang suot kong shoes at coat sabay talon sa kama. Salamat naman, it's friday.
Wala rin kaming pasok bukas dahil holiday, ganun din si Jerome kaya magkakaroon kami ng time for each other.Wala pa akong 10 minutes nakadapa sa kama nang mag-ring ang phone ko. Tumayo ako at kinalkal ang bag ko.
Kurt Albert calling...
"O Kurt, napatawag ka?'
"I missed you." Shit.
Nanghina ako at napaupo bigla sa kama. "B-bakit nasayo ang phone ni Kurt?'
"So? He's in the bathroom kaya hiniram ko muna ang phone niya . Did you block my number? I can't call you."
"Asshole. Ano bang kailangan mo?" I asked.
"Hmmm, can you go to my house? Do you still remember the address?"
"Tss, at bakit naman ako pupunta sa bahay mo?" Ang kapal talaga ng mukha niya.
"Because I'm going to tell the paparazzi that you are my ex if you don't come by tomorrow."
"BINABLACKMAIL MO BA AKO?!" My jaw tightened. Nagpantig ang tenga ko sa tawa niya sa kabilang linya. Binibwisit niya talaga ako!
"Oo, binablackmail kita. Pupunta ka o sasabihin---"
"F*ck you Mikko! Pupunta na ako, manahimik ka lang!"
"Oh, you are cussing now. How surprising? See you tomorrow at 6PM. Don't be late or i'll punish you. Good night Ugly."
*call ended*
HE'S GETTING INTO MY NERVES!
***
It's 5:30 PM now and wala akong magawa kundi pumunta sa bahay nila Mikko kagaya ng utos niya. Malaking issue kapag nalaman ng public na ex ko siya at triple ang magiging pasakit nito sa 'kin kapag nangyari 'yun. I'm going to choke him to death later for doing this to me.
I drove my car until I reached my destination. Being here again gave me nostalgic feeling. I don't know if this is right but I felt a sense of peace just by looking at his house. Sa tapat ng gate ko pinarking ang sasakyan para makaalis agad ako dahil wala akong balak mag tagal dito.
Hindi na ako nag-door bell dahil bukas ang gate. Wala rin guard at tahimik ang paligid.
I knocked the door three times. "Come in." Mukhang nasa sala lang siya dahil dinig na dinig ko ang boses niya.
I took a deep breath.
Nakaupo siya sa sofa habang hawak ang phone niya. May mga food din sa lamesa kaya hindi agad ako dumiretso palapit sa kanya sa halip, nasa harap lang ako ng pinto, nakatayo at hinihintay ang sasabihin niya.
"Why are you standing there? Come here and sit."
I crossed my arms. "Anong sasabihin mo? Sabihin mo na agad para makaalis na ako."
He smirked. "Masyado kang nagmamadali. Sit first before I tell it to you." I rolled my eyes and follow his command anyway.
"Don't waste my time, Mikko."
BINABASA MO ANG
I'm Dating an Idol
Teen FictionKinaya ni Karen ang pagiging girlfriend ng isang myembro ng boy band. Happiness, kilig, lungkot at selos lahat ito narasan niya. Ngunit hindi pa dito natatapos ang istorya. Umpisa pa lang ito nang pagdadaanan nila. Ngayong college at official boy b...