Chapter 20

955 28 3
                                    

Karen's POV

The party hasn't ended yet. Lumabas lang ako para magpahangin dahil sobrang crowded na sa loob. Empires is busy right now, nakikipagusap sa mga big boss ng MS Ent. bukod kay Mikko na hindi na bumalik simula kanina. Anyway, wala naman akong pake kung saan siya pumunta. It's none of my business anymore.

Wala ibang tao dito sa parking lot kundi ako. Nakasandal ako sa car ni Jerome habang umiinom ng orange juice. Dito, peaceful at makakapagisip isip ako.

Tss, but there's one problem.

PAK!

"Damn mosquito." I murmed habang kinakamot yung leeg kong nakagat ng lamok.

Binaba ko yung wine glass sa ibabaw ng kotse at lumapit ako sa dilaw na kotse na nasa harap ko para icheck yung kagat ng lamok sa leeg ko. Heavy tinted yung salamin kaya wala akong nakikita sa loob, mukha naman walang tao dahil hindi umaandar yung makina at kanina pa 'to naka-parking dito.

O___O

Ayun ang akala ko nung unti unting bumaba yung window kung saan ako nagsasalamin at---

"What are you doing?" Sh*t! Sa dinami daming tao sa mundo na pwedeng magmayari ng kotse na 'to, bakit siya pa?!

Umatras ako ng ilang tapak hanggang sa mapasandal ulit sa kotse ni Jerome.

You're so embarrassing Karen! Magkamot ka ba naman ng leeg sa harap ng ex mo?

"H-hindi ko alam na ito yung kotse mo! Hindi ko sinasadya, I thought no one was here!" I protested.

He smirked. Pansin ko rin na nakashades pala siya kahit gabi na. Nagaadik na rin ba 'to? "Okay, as you said so."

Nag-crossarms ako. "K-kanina ka pa ba nandyan?" Sinuri ko siya. Walang nagbago sa kanya, kahit ang buhok niya which is weird dahil halos makalbo na yung apat sa kakapalit ng hairstyle every month. Talaga bang sinusunod niya pa rin up till now yung sinabi kong wag siya magpapadye ng buhok? No way! Ano ba tong iniisip ko?

Sumulyap siya sa wrist watch niya. "Mga 1 hour na." Ibig sabihin ba nakita niya lahat ng ginagawa ko dito umpisa pa lang? Geez, nag-break lang kami naging creepy na siya.

"Natagalan mong mag-stay dyan ng isang oras? Hindi mo ba alam na delikado yan? Paano kung na-lock ka dyan at nawalan ng oxygen? Paano nalang kung walang ibang tao na makakita sa 'yo? Paano kung hindi pa ako lumabas para magpahangin? Humahanap ka ng ikadidigrasya mo Mikko Tan."

WAIT--ANONG SINASABI MO KAREN?

Ngumiti siya nang nakakaloko at napasandal pa sa headrest.

"Why are you so concern about me?"

O___O

"I'm not! Sinasabi ko lang yung posibleng mangyari." Depensa ko.

Lumabas siya sa kotse, tinanggal yung shades na suot niya and sumandal din sa kotse kagaya ng pwesto ko ngayon. Ang gaya gaya!

Pansin ko rin na medyo namumula yung ilong niya na parang kakagaling lang sa iyak. Wait---ano ba 'tong iniisip ko at bakit naman siya iiyak?

Well, nevermind. He judged me from head to toe kaya napayakap ako sa sarili ko. "You wear heels now?"

"So?" Tinaasan ko siya ng kilay.

I'm Dating an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon