Nasa tapat na kami ng gate at lalabas na sana kami ni Mikmik sa kotse ni Mikko nang pigilan niya ang kamay ko habang nakatingin sa phone niya.
"Bakit?" I asked.
Pinaandar niya ulit yung makina. "We're going somewhere." I gaped.
"Hahanapin ako ni Lola Glen!" He rolled his eyes.
"Just tell her you are with me." He offered his phone.
I creased my forehead. "What? Alam mo bang galit na galit siya sa 'yo dahil sa ginawa mo sa 'kin?" Muntik pa nga siya atakihin at dalhin sa ospital nung mapanuod niya yung nangyari sa press conference. Hindi niya inakalang magagawa 'yun ni Mikko, well, kahit ako rin naman never naisip 'yun.
"Don't make her worry, Karen." I bite my lower lip. Fine, bahala na.
Dinial ko yung number ni lola gamit ang phone niya since hindi ko rin naman dala ang phone ko ngayon.
'Hello? Sino 'to?'
"Lola...si Karen 'to." Nagkatinginan kami ni Mikko.
"Karen! Nasaan ka bang bata ka mababaliw ako kakahanap sa 'yo!"
"Umh..ano...lola...kasi..."
'Nasaan ka ba ha? Kaninong phone 'tong gamit mo?'
"Hi Lola Glen! It's me, Mikko." Sumenyas ako ng quiet pero tumawa lang siya. Kung hindi lang siya nag-dadrive and I don't want to die yet, baka nasapak ko na 'tong lalaking 'to.
Dahan-dahan ko ulit nilapit yung phone sa tenga ko at ito na nga, sinesermonan niya na ako dahil narinig niya yung boses ni Mikko.
'Bakit mo kasama si Mikko ha? Karen! Nako, malilintikan kayo sa akin dalawa!'
"Sorry po talaga, mamaya na po ako magpapaliwanag okay?"
"Lola Glen, kami na po ulit ng apo niyo!" Sinenyasan ko siya gamit ang kamao ko, but it's too late.
'A-anong kayo na ulit? Hoy kayong dalawa!" In-end call ko na bago pa marinig ni lola ang karumal dumal na gagawin ko kay Mikko.
"Bakit mo sinabi 'yun ha?" He smirked.
"What's wrong? I 'm just telling the truth." Aba't ang kapal talaga.
"Wag ka pakumpyansa, Mikko Tan. Katakot-takot na panliligaw muna ang gagawin mo. 4 years mo akong pinaghintay, FYI?" I rolled my eyes.
I caught him grinning while driving. Papahirapan ko talaga siya, I am not kidding.
***
Airport? Anong gagawin namin dito?
Nauna siyang bumaba ng kotse kaya sumunod na rin ako kasama si Mikmik. I asked him kung bakit kami nandito pero ngumiti lang siya at inakbayan ako.
Tinitignan niya isa-isa yung mga taong dumadaan sa arrival area at walang palya rin ang pagtingin niya sa wrist watch.
Sinong bang susunduin namin?
"She's here." Kumalas sa pagkaka-akbay si Mikko at lumapit sa familiar na babaeng naka-shades at may kasamang batang babae na nasa 2 years old ang age.
Nagyakapan sila habang titig na titig ako sa batang kasama nung babae. Teka, parang kamukha ni....
"Omo! Is that Karen?" Tinanggal ng babae yung shades niya and it turns out na si Ate Amethyst pala!
Dali-daling lumapit si Ate Amethyst sa akin at yumakap. Nakatingin lang si Mikko sa amin habang hawak yung kamay nung batang hawig na hawig ni Ate Amethyst.
"Why are you here? Kayo na ba ulit?" Hindi ako nakasagot at tumitig lang sa mukha niya na parang hindi yata tumanda. Ang baby face pa rin!
"Hindi pa po pero..." Bigla ulit siyang napayakap sa akin nang mas mahigpit pa. "Thank you, Karen."
"P-para saan Ate?" Bumitaw siya sa pagkakayakap at hinawakan ang braso ko.
"For trusting my brother. ." She smiled at me. Napangiti lang din ako, bakit ba sobrang ganda niya?
Tumalikod siya at kinarga yung batang hawak ni Mikko.
Tinuro ko yung bata para sana tanungin kung sino pero naunahan niya ako. "My daughter, Amber. She's 2 years old now."
Ang dami na palang nangyaring hindi ko alam. Many things can really happen in just a snap.
"Hi Amber! Ang cute kamukhang kamukha niyo Ate Amethyst, umh...sino po yung daddy niya?" May biglang lumapit sa amin na lalaking matangkad, moreno, at of course gwapo. He smiled and shook my hand. Siya na ba yung asawa ni Ate Amethyst?
"This is my husband, Daniel Choi. Daniel, this is Karen, Mikko's girlfriend." Na-shock ako sa way ng pagpapakilala niya sa akin pero hindi na ako nakapalag dahil lumapit si Mikko at biglang hinawakan ang kamay ko. These siblings, really...
"Stop talking already, my pamangkin wants to eat now." Sabi ni Mikko sabay pat sa ulo ni Amber na nakikipaglaro kay Mikmik.
Ate Amethyst chuckled. "Actually, kakatapos lang niya kumain. Ikaw yata 'tong gutom." Err, oo nga mukhang wala pang almusal ang lalaking 'to. Then I suddenly remembered something... ano nga palang ginagawa niya sa village namin?!
"Ah oo na! I'm starving to death kaya treat me some nice food." He smirked.
"아라써! (Arasseo!)" Bahagya niyang hinampas yung balikat ni Mikko.
***
We went to Ate Amethyst's hotel dahil hindi rin naman kami pwede kumain in public na magkasama ni Mikko. Mas gusto kong kami mismo ang magsasabi sa fans ng situation kaysa sa iba pa nila malaman. They will get hurt even more if that happens.
Ate Amethyst made a raspberry cheesecake habang nanunuod sila Mikko at Kuya Daniel sa sala ng movie. I also helped na rin kahit taga-abot lang ng mga kailangan niya habang ini-entertain si Amber.
"Wow!" Hawak ko sa dalawang kamay ko yung cheesecake at hindi naman halata kay Mikko na gutom na siya ha?
I sat beside Mikko after I put the plate on the table. He's staring at me like he wants to eat me alive. Scary.
"Eat." I command.
Ngumiti naman siya ng nakakaloko at nag-cross arms. "Damn, can't wait to marry you so I can experience this everyday."
I rolled my eyes. I can't believe him.
"Oh God!" Napatingin kami pareho kay Ate Amethyst na hawak ang phone niya.
"Bakit Ate?" Nagpalit palit ang tingin niya sa aming dalawa ni Mikko. Pati ako kinabahan.
Lumapit siya sa amin at inabot ang phone niya.
"Jerome Mercado discusses his departure from Empires."
My heart stops. This is not real, isn't it?
---
A/N: Hello readers! First of all, I want to say sorry because I couldn't update agad. Y'all know how lazy I am (lol) I already finished this story sa draft, yes friends, may ending na siya. (I-ready niyo ang puso niyo, please?) I'm just too lazy to post the remaining chapters, and lagi ko lang talaga siya nakakalimutan. So, I want to ask you all a favor. Leave a comment if you like this story para ganahan akong mag-update. Huhuhu, 'yun lang naman I just need some motivation to finish this story, thank you readers!
BINABASA MO ANG
I'm Dating an Idol
Teen FictionKinaya ni Karen ang pagiging girlfriend ng isang myembro ng boy band. Happiness, kilig, lungkot at selos lahat ito narasan niya. Ngunit hindi pa dito natatapos ang istorya. Umpisa pa lang ito nang pagdadaanan nila. Ngayong college at official boy b...