Karen's POV
Ilang days na ang nakalipas pero hindi pa rin ako pinupuntahan ni Jerome. Naghihintay ako sa text or call niya pero wala. Ganun nalang ba 'yun? Is this the end of us?
"Mocha bubble tea please." I smiled a little at umupo sa paboritong pwesto namin ni Jerome. Ibang iba ang atmosphere ngayon dahil mag isa lang akong pumunta dito. Walang Jerome na tititig sa akin hanggang sa maubos ko yung bubble tea at halos wala manlang bawas yung sa kaniya.
I miss him so much.
Hindi ko mapigilang tumitig sa upuang nasa harap ko, ini-imagine na kasama ko siya ngayon.
I'm sleepless these past few days. Mabuti nalang at sembreak ngayon kaya hindi naaapektuhan ang pagaaral ko. All my problems started to tangle simula nung malaman ko kay Kurt yung tunay na dahilan kung bakit nakipagbreak si Mikko. Iniisip ko kung sino yung nagkamali sa aming dalawa. Siya ba na kapakanan lang ng mga kaibigan niya ang inaalala or ako na hindi siya hinintay at nakipagrelasyon agad sa iba?
Gusto ko lang magpakalayo-layo muna. I need a break. Nahihirapan ako at halos hindi na ako makapag-concentrate sa iba pang importanteng bagay na dapat
binibigyan ko rin ng atensyon.Makikipag-break ba si Jerome sa akin dahil sa nangyari?
"Ugh, ang gulo!"
Pinagiisipan ko rin kung ano ba talaga ang tunay na nararamdaman ko kay Mikko.
"Mas lalo lang gumulo." Napabuntong hininga ako.
Kung nandito lang sila mommy at daddy sa Pilipinas, siguro mababawasan ng kaunti ang sakit na nararamdaman ko kapag niyakap nila ako pero ngayon, pakiramdam ko wala akong kakampi. I mean I have friends at may tiwala ako sa kanila pero ayokong pati ako problemahin nila. Problema ko 'to, ako lang dapat ang nag-susuffer dito. Alam kong may problema rin sila na hindi ko alam.
Wala na dapat ibang madamay sa lahat ng problema ko dahil in the first place, ako naman ang nagsimula nito."Oh my God! Look who's here?" Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa harap ko.
She looks familiar para bang nagkita na kami before?
Umupo siya sa pwesto ni Jerome at tinitigan ako habang nakangiti. "Karen! It's me Arah of Goddesses remember?"
Arah Park? Really? She looks really different now and prettier, I mean maganda na talaga siya nung high-school kami pero mas maganda siya ngayon. She's wearing corporate attire kaya hindi ko agad siya nakilala. Nasanay siguro akong makita siyang pumuputok ang labi sa pula at sobrang ikli ng palda.
"Yeah! I remember you. Kamusta? It's been so long." She smiled. Sa tingin ko nagbago na nga talaga siya. Hindi na siya one of the mean girls na kilala ng lahat when we were in Southmoor.
"Ito, I am a journalist now." Pinakita niya yung I.D niya and wow, journalist na nga talaga siya. Akalain niyo 'yun?
"Good for you!" She nodded. "Ikaw? Kamusta kayo ni Mikko?"
Nawala yung ngiti sa mukha ko. "He's not my boyfriend now."
Nagulat siya sa sinabi ko. Akala ko sasabunutan niya ako pero hindi na nga talaga siya si Arah na member ng Goddesses na ang libangan dati ay pahirapan ako.
"Umh, s-sorry." She uttered.
"It's okay. Nga pala kamusta na sila Fei at Mich?" I asked.
"Si Fei, she's working abroad now. Nurse na siya. and si Mich, we took the same profession, magkaiba lang kami ng company. Sorry nga pala sa mga nagawa at nasabi namin sa 'yo before huh? I was really a brat back then and pinagsisisihan ko na 'yun. I'm sorry."
BINABASA MO ANG
I'm Dating an Idol
Teen FictionKinaya ni Karen ang pagiging girlfriend ng isang myembro ng boy band. Happiness, kilig, lungkot at selos lahat ito narasan niya. Ngunit hindi pa dito natatapos ang istorya. Umpisa pa lang ito nang pagdadaanan nila. Ngayong college at official boy b...