Kai's POV
Saturday ngayon kaya buong araw pineste ni Hans ang nananahimik kong buhay dito sa rehearsal room. Nasaan na ba kasi si Kris? Mas matitiis ko pa 'yun kesa sa lalaking 'to e.
Kumuha ng bottled water sa cooler si Hans at binato sa 'kin na nasalo ko naman kasi nga ang galing ko.
"Itutuloy mo pa ba yung balak mo kay Karen at Mikko?"
"Bahala na." Pinatugtog ko ulit ang music at nagsimulang sumayaw.
"Bakit sjksksokqnbaj"
In-off ko ang music dahil wala akong naintindihan sa sinabi ng asungot na 'to. "Ano?"
"Bakit hinayaan mo siyang Keith ang itawag sa 'yo?" Bakit nga ba?
Dahil ayun lang ang lumabas sa bibig ko? Dahil ayokong malaman niya na ako si Kai Angeles ng CThunder? Dahil trip ko lang talaga?
Lumapit ako sa salamin at tinignan ang sarili ko. Pakshet, ang gwapo ko.
"Wala, bakit? Masama?" I raised my eyebrows.
Nag-pout si Hans. Kadiri, mukha na ngang babae nag-pout pa. "Kilala kita Kai, hindi mo hahayang tawagin ka ng babae sa totoo mong pangalan kung hindi ka interesado sa kanya."
Kasalanan ko bang parehas kami ng taste ni Mikko?
"Maganda si Karen, mabait at higit sa lahat girlfriend siya ni Mikko. Saktong sakto sa balak ko."
Kumunot ang noo niya na para bang iniisip niyang mabuti ang ibig kong sabihin.
FLASHBACK
Grade 5 ako noon ng maging kaklase ko ang Empires. Si Sam, Jared, Kurt, Mikko at Jerome. Sa edad na 'yun kilalang kilala na sila sa buong school dahil sa talent nilang pagsayaw at pagkanta.
Habang ako? Hangang hanga sa kakayahan ng lima.
Dahil sa kanila nagaral akong sumayaw at kahit hindi kagandahan ang boses ko pinilit kong mag-improve para makasali sa grupo nila. Para maging isa kanila.
Nang magkaroon na ako ng tiwala sa sarili at lakas ng loob, nilapitan ko ang lima at kinausap sila. Halos magmakaawa na ako para lang tanggapin nila ako sa Empires. Namanhid na ang paa ko sa kasasayaw pero wala lang pala silang paki sa pinapakita ko. Parang nabaliwala lang lahat ng paghihirap ko at ang pangarap ko maging sikat sa Southmoor Elementary.
Sinayang lang ng Empires lahat. Lalong lalo na ang Mikko na yan na minaliit masyado ang kakayahan ko. Ngayong sikat na ako at magdedebut na sila, sisiguraduhin kong pagsisisihan nila ang hindi pagtanggap sa 'kin dati. Gaganti ako kay Mikko, gagantihan ko sila.
END OF FLASHBACK
"K-kai yung bote ng mineral water, nayupi mo na." Napatingin ako sa boteng hawak ko.
"Mikko Tan!" Susuntukin ko sana ang salamin nang pigilan ni Hans ang kamao ko.
"Keith Andrew, kumalma ka---"
"Aagawin ko si Karen sa kanya. Hindi ako papayag na maging masaya silang dalawa."
Karen's POV
BOGSH!
"Ay palaka!" Ang alam ko singer at dancers ang Empires hindi action star!
"Kailangan niyo ba talaga ibagsak ang pinto?" Tumawa yung lima tapos nilapag nila yung mga bag nila sa tabi ko. Sinama ako ni Mikko kung saan sila magpo-photo shoot para sa isang commercial. Hindi pa sila nagdedebut pero sunod sunod na ang advertisement na ino-offer sa kanila. May mga appearance na rin sila sa iilang music shows kaya paunti-unti nang lumalago ang fanclub ng Empires. In short, bilang na ang araw ko para makasama sila in public.
BINABASA MO ANG
I'm Dating an Idol
Teen FictionKinaya ni Karen ang pagiging girlfriend ng isang myembro ng boy band. Happiness, kilig, lungkot at selos lahat ito narasan niya. Ngunit hindi pa dito natatapos ang istorya. Umpisa pa lang ito nang pagdadaanan nila. Ngayong college at official boy b...