Han's POV
"Hindi siya mahirap mahalin. Totoong nagkakagusto na ako
...kay Karen." Patay tayo dyan.
Kilala ko si Kai. Once na lumambot ang puso ng isang 'to, willing siya gawin ang lahat para lang mapasaya ang mahal niya. At hindi maganda 'yun sa ngayon dahil may boyfriend si Karen. Hindi pwedeng lumala ng husto ang nararamdaman ni Kai.
"Anong balak mo ngayon? Itutuloy mo pa ba?" Napabuntong hininga siya sa tanong ko.
"Tutal, nagawa ko na ang gusto ko. Nakaganti na ako kay Mikko, siguro naman ayos na 'yun." Tumayo siya at kinuha ang susi ng motor na nakapatong sa table.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko bago siya lumabas.
"Aayusin ang lahat."
Karen's POV
Antok na antok akong gumising ng maaga para pumasok sa school. E kasi naman, napuyat ako kakagawa ng project sa music, idagdag pa yung korea nobelang tinapos ko buong magdagmag.
Sa isip-isip ko kasi, sunday naman walang pasok kaya sinulit ko ng bongga ang oras kaso nakalimutan kong kasunod nga pala ng sunday ang monday kaya para akong zombie na naglalakad sa hallway ngayon.
Walang Dean, walang Maris, walang Keith at wala rin si Mikko.
Magiging mapayapang lunes 'to.
Dumiretso ako sa upuan ko pagpasok sa room. Maya-maya lang dumating na si Sir Pogi. Yung teacher namin sa P.E last year na nagpalipat sa 4th year. Ewan ko ba dito, hindi ba siya nagsasawa sa mukha namin e umay na umay na nga kami sa kanya. Tss.
"Class dismiss." At binanggit na nga ni Sir Pogi ang katagang hinihintay ng lahat.
Niligpit ko ang notebook na ginamit ko at pinasok sa bag.
Pababa na sana ako ng hagdan nang makasalubong ko si Keith. Nag-panic ako dahil hanggang ngayon hindi pa rin magaling yung pasa sa gilid ng labi niya. "K-keith."
Ngumiti siya. "Kamusta?"
"A-ayos lang. Ikaw?"
"Hmmm, hindi pa masyadong okay dahil may pasa pa ako. Hindi pa ako 100% gwapo pero kung sasamahan mo ako, baka makalimutan ko ang ginawa ng boyfriend mo." Napakamot siya ng batok.
Ano na naman bang balak ng adik na 'to? Tss, ang dami ko naman kasing atraso sa kanya. Imbis na mabawasan mas lalo pang nadadagdagan.
"Sige na nga." Padabog akong sumunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa parking lot.
Parang magic na nilabas niya yung helmet mula sa likod. Ameyzeng. "Oh, hindi ko bibilisan. Promise." Tinaas ni Keith yung kanang kamay niya na parang nanunumpa habang inaayos ang motor.
Nagtiwala ako sa sinabi ng itlog kaya nakumbinsi niya akong sumakay sa motor kahit labag sa kalooban ko.
"Kumapit ka."
O___O
Sapilitan niya kinuha ang kamay ko at pinulupot sa bewang niya.
"Chumachansing ka lang e!" Sabi ni Keith habang nakapatong yung ulo ko sa balikat niya. Nasa highway na kasi kami at nakakatakot yung mga sasakyan nakapaligid sa amin!
"Asa." I rolled my eyes.
***
"Nasaan tayo, Keith?" Nilibot ko ang mata ko sa paligid. Nasa gilid pa rin kami ng kalsada at mula dito, kitang kita mo ang view ng mga bundok tapos natatakpan nila yung araw kaya feeling ko nasa labas na kami ng Manila.
"Ewan." Sumandal siya sa concrete na bakod. "Basta malayo."
Napa-face palm ako. Paano kapag hindi niya pala alam ang pauwi tapos ma-stuck kami sa gitna ng kalsadang 'to? Hindi pwede!
"Bakit hindi mo sinabi na dito ka pala pupunta?" Binatukan ko siya.
"Aray! Hindi ko rin naman alam na dito tayo makakarating at saka wag ka mag-alala, alam ko pa rin pabalik ng Southmoor." Sinimangutan niya ako.
"Bakit ba kasi tayo nandito, aber? Ang layo!" Tinukod ko yung wrist ko sa bakod. Nalula ako at ngayon ko lang napansin na bangin pala ang nasa baba nito kaya abot bewang ko ang bakod.
"Nakalimutan mo na ba maraming pwedeng makakilala sa 'kin kapag nasa Manila tayo?" Sabagay, tama siya. Muntik ko na makalimutang super popular pala ni Keith.
Nakatingin lang ako sa kanya na kasalukuyang naka-cross arms at nakatingin sa kawalan. Minsan ang adik niya, minsan hindi mo malaman kung ano ang iniisip niya. Ang gulo lang.
"Sorry nga pala ulit sa nagawa ni Mikko." Pagbasag ko sa katahimikan.
"Ayun talaga ang dahilan kung bakit tayo nandito." Seryoso ang mukha ni Keith na tumingin sa 'kin.
"Alam kong mali ang nagawa niya pero sana---" Naputol ang sasabihin ko nang hawakan niya ang kamay ko. Napatayo ako ng tuwid as in tuwid dahil sa titig niya nakakatunaw ng kaluluwa.
"Walang kasalanan si Mikko." Biglang naglaho ang ingay ng mga sasakyan dumadaan sa gilid namin.
*GULP*
Anong ibig niyang sabihin?
"Ako ang gumawa ng paraan para magalit siya sa 'kin. Para siya ang lumabas na mali."
Wala akong na-gets pero gets kong may dahilan si Keith kaya niya nagawa 'yun.
"Anong dahilan mo para gawin 'yun? Para pagmukhain akong tanga at clueless sa nangyayari?" Iniwas niya ang tingin niya sa mata ko.
In-explain niya lahat simula noong magkakaklase pa lang sila ng Empires hanggang dun sa nangyari nung isang araw. Pinaliwanag niya rin ang reason kung bakit siya naghihiganti at kung bakit ako ang ginamit niya sa paghihiganting 'yun. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o iintindihin ko nalang siya since umamin naman siya sa kamaliang nagawa niya at naging close na rin naman kami.
"Hindi na ako nag-eexpect na mapapatawad mo pa ako---ouch! Bakit mo ako binatukan?!" Napakamot siya sa part ng ulo niya na binatukan ko.
Pinagpag ko ang kamay ko sabay cross arms. "Dagdag ko yan sa suntok ni Mikko pero dahil friends naman na tayo. Palalagpasin ko yung ginawa mo."
Nag-twinkle ang mata niya.
"Bati na tayo?" Nag-nod ako. "Aish! Bakit ba ang bait mo masyado, Karen Francisco? Try mo naman maging masama minsan para hindi ka masyado nakakainlove."
-_______-
Ang adik talaga!
"Ayaw mo? Okay lang din." Umarte akong aalis pero hinawakan niya ang braso ko at kinaladkad papunta sa harap ng motor niya. "Tara na, balik na tayo sa Southmoor. Makikipagbati ka pa sa boyfriend mo." Oo nga pala. Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya hindi na ako masyado nakakapagisip.
Mapapatawad pa ba ako ni Mikko? Kasalanan 'to ni Keith e.
"Bakit nga pala sobrang controversial ng pangalan mo? Na-curious ako bigla!" Naalala ko lang kaya tinanong ko na pero halatang iniwasan niya 'yun.
"Pwedeng bang kahit 'yun nalang ang i-secret ko sa 'yo?" Ano ba kasi 'yun?
Inabot sa 'kin ni Keith yung helmet. "Sakay na, dali. Last ride mo na 'to sa motor ko." Hala bakit?
BINABASA MO ANG
I'm Dating an Idol
Teen FictionKinaya ni Karen ang pagiging girlfriend ng isang myembro ng boy band. Happiness, kilig, lungkot at selos lahat ito narasan niya. Ngunit hindi pa dito natatapos ang istorya. Umpisa pa lang ito nang pagdadaanan nila. Ngayong college at official boy b...