Chapter 12

897 20 0
                                    

Kurt's POV

"KURT, I MISS YOU!" Sabi nung haponesang baliw sabay yakap sa 'kin pero kadiri siya kaya tinulak ko yung mukha niya palayo sa 'kin. Yuck, yuck, yuck!

"Hoy, sino nagpapasok sa 'yo dito?" Pumayag na nga akong pumasok siya sa condo ko pero hanggang dito ba naman sa dorm makakapasok siya? Sakit sa batok.

Nag-pout siya tapos umupo sa sofa. "Bakit? Pinayagan naman ako ni Sam pumasok e. Diba Sam?" Tumango lang si Sam na busy sa laptop niya na nakapatong sa lamesa. Tss, pinagtutulungan nila ako I feel so abused!

Maya-maya pa bumukas ulit ang pinto. "I'm here." Bakit nandito yung mag bestfriend? Hindi ako na-orient.

May dala siyang paper bag tapos nilapag niya 'yun sa table at isa-isa niya nilabas yung mga tupperware na may lamang lasagna at leche plan.

"Bakit dalawa lang kayo? Nasaan si Mikko, Jerome at Jared?" Tanong ni Karen habang naglalagay ng lasagna sa platito.

"Si Jared at Mikko nasa MS building kasama si Kenneth, si Jerome parating na 'yun may binili lang sa grocery." Sinagot ni Sam yung tanong niya. Ang ingay nilang tatlo. Tss, samantalang ako nakaupo lang sa tabi ni Sam habang nilalasap yung sarap ng lasagna.

"Kain ka pa Kurt!" Lumapit sa akin si Hani at sinandukan ako ng maraming leche plan. Gusto niya na ba talaga akong patayin sa diabetes?

Karen's POV

Napakamot nalang ako ng batok dahil parang linta na naman si Hani kay Kurt. Sa kanilang lima, mukhang si Kurt lang talaga ang hindi interesado sa kahit sinong babae. Ay ewan, makakain na nga lang ng lasagna niluto ni Lola Glen para sa Empires.

"Nandyan na pala si Jerome." Napatingin kaming lahat sa pinto sa sinabi ni Hani. Dumating na nga si Jerome. Galing siya sa grocery pero nasaan yung paperbag?

Poker face siyang pumasok at tumingin sa amin lahat lalo na sa 'kin pagkatapos ay lumingon ulit sa labas at mas binuksan pa ang pinto na parang may hinihintay pa siyang pumasok.

"Keith?" Halos mabuga ko yung kinakain ko sa mukha ni Kurt nang makita ko si Keith kasama si Jerome. Naka-specs siya na kinapogi niya lalo at turtle neck. Teka, bakit ko pa dinescribe?!

Kumaway siya sa 'kin sabay smirk.

Kai's POV

Pakshet, paano ko ba sasabihin 'to. Ginawa ko lang naman talagang dahilan yung comeback namin sa Korea para lang may masabi ako sa kanya nung araw na 'yun. Pero ang totoo niyan, kaya ako aalis ay dahil sa nararamdaman ko sa kanya na gusto kong iwasan. Pakshet talaga. Mas lalo pa atang lumala nung makita ko ulit siya.

Nakasabay ko lang naman si Jerome bumili sa grocery at nabanggit niya rin na dadaan si Karen sa dorm nila ngayong araw kaya napapunta na ako. Mabuti nalang nga at wala si Mikko---- don't get me wrong. We're good pero hindi namin maiiwasan ang samaan ng tingin lalo na at magkablockmates kami sa isang subject. Gusto ko pa rin siyang sapakin pero hindi dahil sa nagawa niya dati kundi dahil siya na naman ang nanalo. Nasa kanya kasi si Karen. Bakit ba napakaswerte ng hayup na 'yun?

"G-gusto mo ba nung lasagna?" Tanong ni Karen habang inaasikaso ang pagkain namin ni Jerome. Kami nalang tatlo ang natira dito sa kusina since tapos na kumain yung tatlo pagkadating namin.

"Oo naman. Ako pa tatanggi?" Halatang natetense si Karen habang naglalagay siya ng lasagna sa plato ko. Huh, mukhang nasabi na rin ni Mikko ang tungkol sa pangalan ko.

"O-okay na ba yan?" I nodded. Tapos umikot siya sa lamesa at pumunta sa pwesto ni Jerome at siya ang inasikaso. Kailan pa niya kasa-kasama ang Empires? Paano kaya 'to nakilala ni Mikko e mas marami pang babae 'yun kesa kay Kris. Kahit mas demonyo sa 'kin si Mikko, nagawa pa rin siya bigyan ng matinong love life ni Lord samantalang 18 years na akong nabubuhay ng napakabait sa mundo hanggang ngayon wala pa rin akong love life? May nagustuhan nga taken naman. Pambihira.

I'm Dating an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon